SILID NG PAG-UUSAP

·

·

SILID NG PAG-UUSAP

Basahin: 1 Samuel 18:1–4 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Josue 22-24; Lucas 3

Sumumpa si Jonatan kay David na magiging magkaibigan sila sa habang panahon dahil mahal niya si David gaya ng kanyang sarili. – 1 ꜱᴀᴍᴜᴇʟ 18:3

May magandang paraan ng pakikipag-ugnayan at pagkakaibigan sa hilagang Espanya. Sa pagtatapos ng bawat ani, umuupo ang mga magsasaka sa isang silid sa ibabaw ng kuweba. Doon nila binibilang ang mga pagkaing inani nila. Sa paglipas ng panahon, tinawag ang lugar na ito bilang “silid ng pag-uusap.” Dito nagtitipon ang mga pamilya at magkakaibigan upang ibahagi ang kanilang mga kuwento, lihim, at pangarap.

Kung nabuhay sina Jonatan at David sa hilagang Espanya, malamang nagkaroon din sila ng silid ng pag-uusap dahil sa malalim nilang pagkakaibigan (1 ꜱᴀᴍᴜᴇʟ 18:1). Nang mapuno ng inggit si Haring Saul kay David, ninais niya itong patayin. Pero pinrotektahan ni Jonatan si David. Minahal ni Jonatan si David “gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili” (ᴛᴀʟ. 1). Bagama’t si Jonatan ang tagapagmana ng trono, kinilala niya ang pagpili ng Dios kay David bilang hari. Ibinigay niya kay David ang kanyang balabal, espada, pamigkis, at sinturon (ᴛᴀʟ. 4). Ipinahayag naman ni David na kahanga-hanga ang malalim na pagmamahal ni Jonatan sa kanya bilang isang kaibigan (2 ꜱᴀᴍᴜᴇʟ 1:26).

Bilang mga nagtitiwala kay Jesus, nawa’y tulungan Niya tayong bumuo ng ating “silid ng pag-uusap” o mga pagkakaibigang sumasalamin sa pag-ibig at pag-aalagang katulad ng kay Cristo. Maglaan tayo ng oras para sa mga kaibigan, buksan natin ang ating mga puso, at mamuhay tayo nang may tunay na pakikipag- ugnayan sa isa’t isa.

Mahal na Dios, tulungan Mo po akong maging isang masigasig, mapagmahal, at tunay na kaibigan.

Paano mo maipapahayag ang iyong pagmamahal sa iyong mga kaibigan?

Isinulat ni Marvin Williams 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *