NAKIKINIG ANG DIOS

·

·

NAKIKINIG ANG DIOS

Basahin: Santiago 5:13–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Hukom 1–3; Lucas 4:1–30

Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid. – ꜱᴀɴᴛɪᴀɢᴏ 5:16

Isang aktor at martial artist si Chuck. Nang mag-isandaang taong gulang ang kanyang ina, ibinahagi niya, “Naging halimbawa si Nanay ng katatagan at pananampalataya.” Mag-isa kasi niyang pinalaki ang tatlong anak. Namatayan din siya ng dalawang asawa, dalawang anak, at mga apo. Sumailalim rin siya sa maraming operasyon. Dagdag ni Chuck, “Nang mapariwara ang buhay ko noong nasa Hollywood ako, hindi tumigil na magdasal si Nanay para sa akin. Pinasasalamatan ko ang aking ina dahil ginawa niya ang lahat upang mapalapit akong muli sa Dios.”

Nakatulong ang mga panalangin ng ina ni Chuck upang tanggapin niya ang kaligtasang mula sa Dios at upang makahanap ng maka-Dios na asawa. Taimtim na nagdasal ang ina ni Chuck para sa kanyang anak, at narinig ng Dios ang kanyang mga panalangin. Hindi natin laging nakakamit sa paraang nais natin ang sagot sa ating mga panalangin. Kaya hindi natin ito maaaring gamitin para lamang makuha ang anumang gusto natin. Gayunpaman, tinitiyak sa atin ni Santiago na “malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid” (5:16). Tulad ng ina ni Chuck, dapat tayong magpatuloy sa pagdarasal para sa mga may sakit at mga taong nasa panganib (ᴛᴀʟ. 13–15). Tulad din niya, kapag nakikipag-ugnayan tayo sa Dios sa pamamagitan ng pananalangin, nagkakaroon tayo ng lakas ng loob, kapayapaan, at katiyakang kumikilos at may ginagawa ang Banal na Espiritu.

May kakilala ka bang nangangailangan ng kaligtasan, kagalingan, o tulong? Idulog mo ang iyong mga panalangin sa Dios nang may pananampalataya. Nakikinig Siya.

Dios Ama, salamat po sa Iyong pagmamahal na tumutulong sa akin upang magpatuloy.

Kailan mo nakita ang Dios na sumagot sa iyong taimtim na mga panalangin? Sino ang patuloy mong idinadalangin?

Isinulat ni Alyson Kieda

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *