TULUNGAN ANG NAHIHIRAPAN
Basahin: Lucas 5:17–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Hukom 13-15; Lucas 6:27–49
Ibinaba nila sa harap ni Jesus ang paralitikong nakahiga sa kanyang higaan. – ʟᴜᴄᴀꜱ 5:19
Mabilis na naglakad ang aming pamilya patungo sa paanan ng talon ng La Fortuna sa Costa Rica. Pagdating sa ibaba, natuklasan naming nangangailangan ng tulong ang isang dalaga. Mayroon nang stretcher, pero kailangan ng mas maraming tao upang maihatid siya nang ligtas palabas ng bangin. Kaya sumama kami sa rescue team. Salamat sa pagtutulungan ng bawat isa, ligtas na naihatid ang dalaga sa lugar kung saan siya magagamot.
May mga pagkakataong hindi natin kayang makakuha ng tulong nang mag-isa. Sa Aklat ni Lucas, mababasa natin ang kuwento ng isang paralisadong lalaking gustong makita si Jesus (ʟᴜᴄᴀꜱ 5:17–26). Dahil sa pagmamahal ng kanyang mga kaibigan at sa kanilang “pananampalataya” (ᴛᴀʟ. 20), dinala nila ang kaibigan sa bahay kung saan nagtuturo si Jesus. Ngunit nang dumating sila, puno na ang bahay. Hindi sila makalapit. Ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa. Iniakyat nila ang lalaki sa bubong 001 – Nike Kobe 6 Prelude 2014 640220 – Nike kyrie low 4 tb team bank black white sneakers da7803-001 mens 7.5-13.5 at ibinaba siya sa harapan ni Jesus (ᴛᴀʟ. 19).
Sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit, maaaring maranasan din ng iba ang pagmamahal ni Jesus.
Tulad ng mga kaibigan ng paralisadong lalaki, maaari tayong magpakita ng pagmamahal sa iba. Maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng praktikal na tulong sa mga hindi kayang alagaan ang kanilang sarili marcus jordan net worth. Maaari rin tayong magbigay ng pagkain, tumulong sa pagkukumpuni ng kanilang bahay, o mag-alok ng libreng sakay. Sa pamamagitan ng mga ganitong pagpapakita ng malasakit, maaaring maranasan din nila ang pagmamahal ni Jesus.
Amang nasa Langit, tulungan Mo po akong maglingkod sa iba nang may pagmamahal at pagmamalasakit.
Paano ka makakapagpakita ng malasakit sa isang nangangailangan?
Isinulat ni Lisa M. Samra
Leave a Reply