Church of Christ at San Antonio

BAWAT GINAGAWA

·

·

BAWAT GINAGAWA

Basahin: Gawa 20:32–35 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: Hukom 19-21; Lucas 7:31–50

Alam ninyong nagtrabaho ako para matustusan ang mga pangangailangan namin ng aking mga kasamahan. – ɢᴀᴡᴀ 20:34

Sinalanta ng isang tsunami ang mga baryo sa Sri Lanka. Dahil dito, nawasak ang makinang panahing pinag-ipunan ng isang babae sa loob ng maraming taon. Nang malaman ito ni Margaret, isang Amerikanang mananahi, naantig ang kanyang puso. Kaya nagtipon siya ng ilang mga makinang panahi at ipinadala ang mga ito sa Sri Lanka. Nagbigay naman ito sa mga taga-Sri Lanka ng pangmatagalang kabuhayang magagamit nila upang suportahan ang kanilang mga sarili at mga pamilya.

Alam rin ni Apostol Pablo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kabuhayan. Isa siyang manggagawa ng mga tolda (ɢᴀᴡᴀ 18:3). Itinuring marcus jordan net worth ni Pablo ang kanyang trabaho bilang isang ministeryo— isa sa mga paraan kung paano siya naglilingkod sa Dios. Hindi siya humingi ng pilak o ginto mula kaninuman, ginamit niya ang kanyang mga kamay upang “matustusan ang mga pangangailangan [nila] ng [kanyang] mga kasamahan” (20:33–34). Hinikayat din niya ang mga matatanda sa simbahan ng Efeso na magtrabaho nang mabuti upang “[matulungan]… ang mga dukha” (ᴛᴀʟ. 35).

Hindi inihiwalay ni Pablo ang kanyang ministeryo mula sa kanyang trabaho. Sa halip, itinuring niya ang lahat ng kanyang mga ginagawa bilang bahagi ng kanyang ministeryo. Kapag nagtatrabaho tayo para sa kapakanan ng iba at hindi lamang para sa ating sarili, naipapakita natin sa mga tao ang ating pagkakakilanlan bilang mga nagtitiwala kay Jesus.

Dios Ama, tulungan Mo po akong magamit ang mga talento na Iyong ibinigay upang makita ng iba ang Iyong pagkilos sa aking buhay.

Sa paanong paraan mo nakita ang Dios sa gawa at trabaho ng iba? Paano mo naman maipapakita ang kabutihan ng Dios sa pamamagitan ng iyong pagtatrabaho?

Isinulat ni Kirsten Holmberg



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *