Church of Christ at San Antonio

BUONG BUHAY

·

·

BUONG BUHAY

Basahin: Mateo 16:21–28 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Samuel 1–3; Lucas 8:26–56

Ang sinumang nagnanais sumunod sa Akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa Akin. – ᴍᴀᴛᴇᴏ 16:24 ᴍʙʙ

Madalas, kapag lumilipat tayo sa bagong lugar, may mga alaala tayong iniiwan sa lugar na nililisan natin. Pero Cheap Novogas Jordan Outlet , adidas Introduces aditech stan Stan Smith , adidas Tensaur Run GS Navy Orange sa isang lugar sa Antarctica, hindi lang alaala ang kailangan mong iwan para maging residente roon. Kailangan mong sumailalim sa operasyong appendectomy (pagtatanggal ng appendix). Sa layo ng lugar sa ospital, kapag sumabog ang appendix mo, siguradong magiging malala ang kundisyon mo. Para maiwasan ito, sumasailalim sa appendectomy ang lahat ng maninirahan doon.

Nakamamangha? Mas nakamamangha kung maninirahan ka sa kaharian ng Dios. Dito ike clogposite 2024 colorway kasi, walang puwang ang pagsunod sa sariling kalooban (ᴍᴀᴛᴇᴏ 16:25-27). Ayon mismo kay Jesus, ito ang tunay na kahulugan ng pagiging tagasunod Niya: “Ang sinumang nagnanais sumunod sa Akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa Akin” (TAL. 24). Una, nangangahulugan itong handa tayong talikuran ang anumang maaaring maglayo sa atin mula sa Dios. Ikalawa, ipinapahayag rin nating handa tayong dumanas ng pagmamalupit at maging ng kamatayan alang-alang kay Jesus. Ikatlo, sinasabi rin nating handa tayong sumunod kay Jesus bawat araw at bawat sandali ng ating buhay. Makakaasa naman tayong sasamahan at gagabayan tayo ni Jesus upang magawa ang mga ito.

Higit sa paglalaan ng kaunting oras, pera o lakas ang pagsunod kay Jesus. Sa halip, tungkol ito sa pagsunod at pag-aalay ng ating buong buhay para sa Kanya lamang.

Panginoong Jesus, tulungan N’yo po akong bitawan ang mga bagay na humahadlang upang mapaglingkuran Kita at ang Iyong kaharian.

Para sa iyo, ano ang kahulugan ng pagsunod kay Jesus? Anong bahagi ng buhay mo ang kailangan mong ialay sa Kanya?

Isinulat ni Marvin Williams 

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *