Church of Christ at San Antonio

PAGHARAP SA PAGSUBOK

·

·

PAGHARAP SA PAGSUBOK

Basahin: 2 Samuel 15:13–14, 23–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Samuel 25-26; Lucas 12:32–59

Pero kung hindi, handa ako kung anuman ang gusto niyang gawin sa akin. – 2 ꜱᴀᴍᴜᴇʟ 15:26

Isang makata at manunulat si Christina Rossetti. Humarap siya sa ng maraming pagsubok sa buhay. Nakaranas siya ng depression at iba’t ibang karamdaman. Nakaranas din siya ng mga nasirang relasyon. Sa huli, pumanaw siya dahil sa kanser.

Nang pumasok si David sa kamalayan ng mga tao sa Israel, isa na siyang matagumpay na mandirigma. Ngunit sa buong buhay niya, nakaranas si David ng maraming paghihirap. Sa huling bahagi ike clogposite 2024 colorway ng kanyang pamamahala, nilabanan siya ng kanyang sariling anak, ng kanyang pinagkakatiwalaang tagapayo, at pati karamihan ng bansa (2 ꜱᴀᴍᴜᴇʟ 15:1–12). Kaya’t isinama ni David ang mga paring sina Abiatar at Zadok, dinala ang sagradong kaban ng Dios, at tumakas mula sa Jerusalem (ᴛᴀʟ. 14, 24).

Matapos mag-alay si Abiatar ng mga handog sa Dios, sinabi ni David sa mga pari, “Ibalik ang Kahon ng Dios sa Jerusalem. Kung nalulugod sa akin ang Panginoon, pababalikin niya ako sa Jerusalem at makikita ko itong muli at ang lugar na kinalalagyan nito” (ᴛᴀʟ. 25). Sa kabila ng kawalang-katiyakan, sinabi ni David, “Pero kung hindi, handa ako kung anuman ang gusto niyang gawin sa akin” (ᴛᴀʟ. 26). Alam niyang maaasahan niya ang Dios.

Gayundin naman, nagtiwala si Christina Rossetti sa Dios, at napuno ng pag-asa ang dulo ng kanyang buhay. Masasabi nating matarik man ang daan, patungo naman ito sa ating Dios Ama. At naghihintay Siya sa atin nang may bukas na mga bisig.

Dios Ama, tulungan Mo po akong mamuhay na puno ng pag-asa habang hinihintay ang araw na makakasama Kita.

Paano mo pagtitiwalaan ang Dios na gabayan ka sa landas na iyong Pink Nike Life Carpenter Pants , Aspennigeria? , women nike snow boots lime gray black tinatahak?

Isinulat ni Tim Gustafson

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *