Church of Christ at San Antonio

LUBUSANG NILINIS

·

·

LUBUSANG NILINIS

Basahin: Salmo 32 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Samuel 27-29; Lucas 13:1–22

Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ. – ꜱᴀʟᴍᴏ 32:1

Minsan, bumisita si Jose sa kapilya kung saan dumadalo ang kuya niya. Pagdating niya roon, nadismaya ang kuya niya nang makita siyang naka T-shirt lang. Kitang-kitang kasi sa mga braso ni Jose ang mga tattoo niyang sumasalamin sa masama niyang nakaraan. Sinabihan siya ng kuya niyang umuwi muna at magsuot ike clogposite 2024 colorway ng mahabang damit para matakpan ang mga tattoo niya. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam ni Jose na parang ang dumi-dumi niya. Pero may isang lalaking nakarinig ng kanilang pag-uusap. Ipinaalam ng lalaki sa kanilang pastor ang nangyari. Napangiti ang pastor at tinanggal ang butones ng kanyang damit. Makikita ang malaking tattoo sa dibdib nito. Sinabi ng pastor kay Jose na hindi na raw niya kailangan pang takpan ang kanyang mga braso. Sa halip, magalak siya dahil lubusan na siyang nilinis ng Dios noong nagtiwala siya kay Jesus.

Naranasan din naman ni Haring David ang kagalakan ng isang taong lubusang nilinis ng Dios mula sa kanyang kasalanan. Pagkatapos magsisi at humingi ng tawad sa Dios, sinabi ni David, “Mapalad ang isang tao na ang mga pagsuway at mga kasalanan ay pinatawad at kinalimutan na ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ” (ꜱᴀʟᴍᴏ 32:1). Kaya naman, makakasigaw siya ng buong galak kasama ang mga taong “namumuhay nang tama” (ᴛᴀʟ. 11). Binanggit naman ni Apostol Pablo ang sinasabi sa Salmo 32:1-2 sa kanyang sulat sa Roma 4:7-8. Ipinahayag dito na ang sinumang magtitiwala kay Jesus ay magkakaroon ng kaligtasan at ituturing na matuwid sa harap ng Dios (ᴛɪɴɢɴᴀɴ ᴀɴɢ ʀᴏᴍᴀ 4:23-25).

Hindi lang din pisikal ang paglilinis na ginawa ni Jesus. Alam kasi ni Jesus ang nilalaman ng ating puso at Siya mismo ang maglilinis dito (1 ꜱᴀᴍᴜᴇʟ 16:7; 1 ᴊᴜᴀɴ 1:9). Magalak at magdiwang tayo sa paglilinis ni Jesus sa ating buhay.

Isinulat ni Tom Felten

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *