TUMAKBO PAPUNTA KAY JESUS
Basahin: Juan 20:1–10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Samuel 6-8; Lucas 15:1–10
Pareho silang tumakbo, pero mas mabilis ang isa kaysa kay Pedro, kaya nauna itong nakarating sa libingan. – ᴊᴜᴀɴ 20:4
Nagpunta sina Ben at kanyang mga kaibigan sa mga kilalang museo sa Paris. Kahit hindi estudyante ng sining si Ben, napahanga siya habang tinitingnan ang ipinintang larawang pinamagatang “The Disciples Peter and John Running to the Sepulchre on the Morning of the Resurrection” (“Sina Pedro at Juan na Tumatakbo Patungo sa Libingan ni Jesus Noong Umaga ng Muling Pagkabuhay”) ni Eugène Burnand. Makikita ang mga ekspresyon sa mga mukha nina Apostol Pedro at Juan na inaanyayahan ang mga manonood na makisalo sa kanila.
Batay sa Juan 20:1–10, inilalarawan Donald, Wears Large Shoe Size, Barron Trump Is Taller Than Melania, Puma Cali Sport chunky sneakers in white and black ng obra ang dalawa habang tumatakbo patungo sa walang lamang libingan ni Jesus (ᴛᴀʟ. 4). Sumasalamin din ang obra sa tindi ng damdaming air jordan 13 black flint naramdaman ng dalawang disipulo. Bagama’t sa panahong iyon, hindi pa ganap ang kanilang pananampalataya, tumatakbo sila sa tamang direksyon. Kalaunan, nagpakita sa kanila ang muling nabuhay na si Jesus (ᴛᴀʟ. 19–29). Hindi naman naiiba ang kanilang paghahanap sa paghahanap ngayon ng mga nagnanais kay Jesus. Kahit na hindi natin makita ang walang lamang libingan ni Jesus o ang obrang ginawa ni Burnand, maliwanag pa rin nating nakikita ang Magandang Balita mula sa Biblia. Hinihikayat tayo ng Biblia upang umasa, maghanap, at tumakbo sa direksyon ni Jesus at ng Kanyang pag-ibig—kahit na mayroon tayong mga pagdududa, tanong, at kawalang katiyakan. Sa pagdiriwang natin ng Pasko ng Pagkabuhay, alalahanin natin ang katapatan ng Dios: “Hahanapin ninyo ako at matatagpuan kapag hinanap ninyo ako nang inyong buong puso” (ᴊᴇʀᴇᴍɪᴀꜱ 29:13 ᴀʙᴀʙ).
Hinihikayat tayo ng Biblia upang umasa, maghanap, at tumakbo sa direksyon ni Jesus.
Mahal na Jesus, akayin Mo po ako sa Iyong mapagmahal na mga bisig ngayon.
Mahal na Jesus, akayin Mo po ako sa Iyong mapagmahal na mga bisig ngayon.
Isinulat ni Arthur Jackson
Leave a Reply