Church of Christ at San Antonio

TUKLASIN ANG SANGNILIKHA

·

·

TUKLASIN ANG SANGNILIKHA

Basahin: Salmo 95:1–7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 Samuel 12-13; Lucas 16

Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok. – ꜱᴀʟᴍᴏ 95:4

Isa sa pinakamalalim na kuwebang hindi pa nasasaliksik ng tao ang Krubera-Voronja. Matatagpuan ito sa bansang Georgia sa Europe. Isang grupo ng mga mananaliksik ang sumisid sa madilim at nakakatakot na kalaliman ng kuwebang ito. Bukod sa Krubera-Voronja, patuloy ring natutuklasan ang mas marami pang mga kuweba, at higit ang lalim ng mga ito.

Habang patuloy ang ating pagtuklas sa mga nilikha ng Dios, nagdaragdagan ang ating pang-unawa at pagkamangha sa hindi matutumbasang air jordan 3 black cement 2024 pagkamalikhain ng Dios (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 1:26–28). Inaanyayahan tayo ng salmista na “magsiawit tayo nang may kagalakan” at “sumigaw tayo sa pagpupuri” sa Dios dahil sa Kanyang kadakilaan (ᴛᴀʟ. 1). Pagmasdan natin ang kamangha- manghang mga gawa ng Dios. Lahat ng ito—natuklasan man o hindi pa—ay dahilan upang “lumuhod tayo at sumamba” sa Kanya (ᴛᴀʟ. 6).

Bukod sa malalawak na lugar na nilikha Niya, nalalaman din ng Dios ang malalalim na sulok nike lunar gato 2 hyper blue volt , Украина #179264456 , Снижка! футбольные бутсы nike air zoom mercurial 43 + подарок — цена 2100 грн в каталоге Бутсы ✓ Купить мужские вещи по доступной цене на Шафе ng ating mga puso. At katulad ng mga kuweba sa Georgia, daraan tayo sa madidilim at maaaring nakakatakot na mga yugto sa buhay. Gayon pa man, alam nating hawak ng Dios maging ang mga panahong iyon sa Kanyang makapangyarihan ngunit mahabaging kamay. Sapagkat sa mga salita ng salmista, tayo ang Kanyang bayan, ang “mga tupa sa Kanyang kawan na Kanyang binabantayan at inaalagaan” (ᴛᴀʟ. 7).

Aming Dios na Manlilikha, tulungan Mo po akong magtiwala sa Iyong pangangalaga sa akin kahit sa pinakamadidilim na lugar!

Paano ka ginabayan ng Dios sa mga madidilim na lugar? Sa anong bagong lugar o paraan ka Niya inaanyayahan upang magtiwala ka sa Kanya ngayon?

Isinulat ni Kirsten Holmberg

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *