DILIGAN
Basahin: Galacia 5:13–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Hari 1–2; Lucas 19:28–48
Kaya mamuhay kayo nang ayon sa nais ng Banal na Espiritu para hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman. – ɢᴀʟᴀᴄɪᴀ 5:16
Tila nilusob ng mga damo ang aming bakuran. Isang damo ang lumaki nang husto, at nang subukan kong bunutin ito, inakala kong masusugatan ko ang sarili ko. Bago pa ako makahanap ng pamutol, napansin kong dinidiligan pala ito ng anak kong babae. “Bakit mo dinidiligan ang mga damo?!” tanong ko. Tumugon ang aking anak, “Gusto ko pong makita ang paglaki nila.”
Hindi natin kailangang sadyaing diligan ang mga damo. Pero habang iniisip ko ito, napagtanto kong minsan, dinidiligan din natin ang mga “damo” sa ating espirituwal na buhay. Pinapakain natin ang mga pagnanasang pumipigil sa ating paglago.
Tanging pagsunod sa Dios lamang ang magpapalaya sa atin mula sa pagnanasa ng laman.
Ipinahayag ni Apostol Pablo ang tungkol dito sa Galacia 5:13–26, kung saan ipinagkumpara niya ang pamumuhay sa laman at pamumuhay sa Espiritu. Sinabi ni Pablo na hindi sapat na sundin lamang ang mga alituntunin dahil hindi ito magdudulot sa atin ng paglaya mula sa kasalanan. Sa halip, itinuturo niyang dapat tayong “mamuhay… sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.” Idinagdag pa ni Pablo na tanging pagsunod sa Dios lamang ang magpapalaya sa atin mula sa “pagnanasa ng laman” (ᴛᴀʟ. 16).
Panghabang-buhay na proseso upang ganap na maunawaan ang aral ni Pablo. Ngunit gusto ko ang kasimplehan ng kanyang payo: sa halip na palakihin ang isang bagay na hindi kanais-nais sa pamamagitan ng pagpapakain sa ating makasariling hangarin, alagaan natin ang ating relasyon sa Dios. Magbubunga at mag- aani ir jordan 4 tour yellow 200 ito ng isang buhay na banal (ᴛᴀʟ. 22–25).
Dios Ama, tulungan Mo po akong maranasan ang pakikiisa sa Iyo habang Ikaw ang nagpapabunga sa aking espirituwal na buhay.
Paano ka mamumuhay na lumalakad kasama Scorebook Live, Inc Bruins Freshman Baseball (Madison, MS) Roster – High School On Cheap Onlinenevada Jordan Outlet ang Dios?
Isinulat ni Adam R. Holz
Leave a Reply