Church of Christ at San Antonio

LAGING MAPAGKAKATIWALAAN

·

·

LAGING MAPAGKAKATIWALAAN

Basahin: Salmo 145:9-13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 Hari 6-7; Lucas 20:27−47

Ang inyong paghahari ay magpakailanman. ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ, tapat kayo sa Inyong mga pangako, at mapagmahal kayo sa lahat ng Inyong nilikha. – ꜱᴀʟᴍᴏ 145:13

Mapag-alala ako. Kaya naman idinikit ko sa salamin ng aming banyo ang sinabi ni Hudson Taylor, isang mangangaral ng Biblia. Binabasa ko ito kapag nag-aalala ako, “Mayroong isang buhay na Dios. Nagsalita Siya sa Biblia. Seryoso Siya sa Kanyang mga sinabi at tutuparin NIya ang lahat ng Kanyang ipinangako.”

Nagmula ang mga sinabi ni Taylor sa maraming taon ng paglakad kasama ang Dios. Magandang paalala ito sa atin kung sino ang Dios at kung ano ang kaya Niyang gawin sa mga panahon ng sakit, hirap, pag-iisa, at pagdadalamhati. Hindi lamang alam ni Taylor na mapagkakatiwalaan ang Dios, naranasan niya ito. At dahil nagtiwala at sumunod siya sa Dios, libu-libong mga tao sa China ang ipinagkatiwala ang kanilang buhay kay Jesus.

Gayundin naman, natulungan si Haring David ng kanyang Air Jordan 1 Outlet Store mga karanasan ng pagsama ng Dios upang malamang totoong mapagkakatiwalaan ang Dios. Isinulat ni David ang Salmo 145, isang awit ng papuri sa Dios na nagsasabing mabuti, maawain, at tapat Siya sa lahat ng Kanyang mga pangako. Kapag nagtitiwala at sumusunod tayo sa Dios, mas nauunawaan nating air jordan 3 black cement 2024 tunay ang mga sinabi Niya ukol sa Kanyang Sarili, at tapat Siya sa Kanyang salita (ᴛᴀʟ. 13). Tulad ni David, tumugon tayo sa pamamagitan ng pagpupuri sa Kanya at pagsasabi sa iba tungkol sa Kanya (ᴛᴀʟ. 10−12).

Kapag humaharap tayo sa matitinding pagsubok, tutulungan tayo ng Dios na hindi manghina sa ating paglakad kasama Siya. Maipagkakatiwala natin sa Dios ang ating buhay (ʜᴇʙʀᴇᴏ 10:23).

Dios Ama, tulungan Mo po akong alalahanin ang Iyong katapatan habang nagtitiwala at sumusunod ako sa Iyo araw-araw.

Isinulat ni Karen Huang

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *