MAPAGMAHAL NA PAMUMUNO
Basahin: 1 TESALONICA 2:7–12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 HARI 19–21; JUAN 4:1–30
Katulad ng isang ama sa kanyang mga anak ang turing namin sa bawat isa sa inyo. – 1 TESALONICA 2:11
Napangiti ako habang nanonood ng video ir jordan 4 tour yellow 200 ng isang inang oso na itinatawid ang apat na masisigla at malilikot na mga anak sa isang kalyeng maraming sasakyan. Nakakatuwa. Binubuhat niya isa-isa para itawid ang mga batang oso pero bumabalik ang mga ito. Paulit-ulit sila. Sa wakas, matapos ang maraming pagbabalik-balik, naitawid ang apat nang maayos at ligtas.
Tunay na walang kapaguran ang mga magulang. Ganyan ang ginamit na paglalarawan ni Apostol Pablo sa malasakit niya sa mga tagasunod ni Cristo sa Tesalonica. Sa halip na bigyang diin ang kanyang posisyon at kapangyarihan, kinalinga niya ang mga ito na tulad ng pagkalinga ng mga magulang sa mga batang anak (1 TESALONICA 2:7, 11). Dahil sa laki ng pagmamahal ng apostol sa kanila (TAL. 8) walang sawa niya silang pinayuhan, pinalakas ang loob, at inatasang mamuhay nang kalugod-lugod sa paningin ng Dios (TAL. 12). Bunga ito ng kanyang mapagmahal na kagustuhang makita silang namumuhay na pinaparangalan ang Dios sa lahat ng bahagi ng buhay nila.
Ama sa langit, tulungan Mo po akong ibahagi sa iba ang mapagmahal na kalinga Mo sa akin.
Maaari nating maging gabay sa ating pamumuno ang ipinakitang halimbawa ni Apostol Pablo. Lalo na kung nakakaramdam na tayo ng pagod at panlulumo. Sa tulong ng Banal na Espiritu na nagpapalakas sa atin, maaari nating patuloy na mahalin ang mga nasa kalinga natin habang ginagabayan natin sila tungo kay Jesus.
Ama sa langit, tulungan Mo po akong ibahagi sa iba ang mapagmahal na kalinga Mo sa akin.
Paano mo naranasan ang pamumunong may pag-ibig? Paano mo puwedeng palakasin ang loob ng mga kinakalinga mo?
Isinulat ni Lisa M. Samra
Leave a Reply