SINO NGA BA AKO?
Basahin: JUAN 1:6–13 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 HARI 24–25; JUAN 5:1–24
Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng karapatang maging anak ng Dios. – JUAN 1:12
Noong 1859, idineklara ni Joshua Abraham Norton ang sarili bilang Emperador ng Amerika. Matapos yumaman at malugi, gusto niyang magkaroon ng bagong adidas triple cq2472 shoes black friday coupon pagkakakilanlan bilang unang emperador ng Amerika. Nagpalathala ng anunsyo si “Emperador” Norton sa pahayagang San Francisco Evening Bulletin. Pero tinawanan lang siya ng marami. Nangako siyang iwawasto ang mga problema ng lipunan air jordan 4 retro red thunder. Gumawa rin siya ng sariling pera. Sumulat pa siya kay Queen Victoria upang pag-isahin ang mga kaharian nila sa pamamagitan ng kasal. Nagsuot din siya ng unipormeng pansundalo. Sabi ng isang nakakita, “Mukha talaga hari.” Pero syempre, hindi. Hindi naman natin puwedeng imbentuhin kung sino tayo.
Hindi ba maraming taon ang ginugugol ng maraming tao sa paghahanap kung sino sila at kung ano ang halaga nila? Ginagawa natin ang lahat para tukuyin ang ating pagkakakilanlan. Pero ang Dios lang ang makapagsasabi kung sino tayo. Kung tatanggapin natin ang regalo Niyang kaligtasan sa pamamagitan ng Anak Niyang si Jesus, magiging anak Niya tayo. “Ngunit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay binigyan Niya ng karapatang maging anak ng Dios” (JUAN 1:12). Isang regalong ituring tayo bilang mga minamahal Niyang anak, “hindi sa pamamagitan ng pisikal na pagkasilang o dahil sa kagustuhan ng tao kundi dahil sa kalooban ng Dios” (TAL. 13).
O Dios naming Hari, salamat po dahil tinatawag Mo akong anak.
Ibinigay na sa atin ng Dios ang pangalan at pagkakakilanlan natin sa pamamagitan ni Jesus. Kaya maaari na tayong tumigil sa pagkukumpara ng sarili sa iba. Ang Dios na mismo ang nagsasabi kung sino talaga tayo.
O Dios naming Hari, salamat po dahil tinatawag Mo akong anak. Nawa ang katotohanang ito ang magbigay sa akin ng lakas ng loob.
Ano ang ibig sabihin para sa iyo na anak ka ng Dios?
Isinulat ni Winn Collier
Leave a Reply