Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

SA KAMAY NG DIOS

·

·

SA KAMAY NG DIOS

Basahin: 1 TESALONICA 5:12–28 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 17–18; JUAN 13:1–20

Tapat ang sa inyo’y tumatawag, na gagawa rin naman nito. – 1 TESALONICA 5:24

Marami nang magbabago sa buhay ng aking anak. Labing walong taong gulang na kasi siya. Maituturing na nasa hustong edad na siya. Makakaboto na siya sa susunod na eleksyon at haharap sa bagong hamon ng buhay. Darating din ang panahong magkokolehiyo na siya at titira sa ibang lugar. Kaya naman, naisip kong dapat nang lubusin ang mga panahong kasama 020 – Бігові кросівки asics gel – Asics Gel Kayano 14 (Silver / Dark Green) 1203A537 – Cheap Gmar Jordan Outlet ko siya at ituro ang mga dapat niyang ir jordan 4 tour yellow 200 matutunan tulad ng tamang paghawak ng pera at tamang pagdedesisyon sa buhay.

Bilang nanay, tungkulin kong gabayan at turuan ang aking anak. Mahal na mahal ko kasi siya kaya nais ko siyang mapabuti. Mahirap iyong gawin. Pero, naisip kong hindi ako nag-iisa sa tungkulin ko bilang isang ina. Tutulungan ako ng Dios sa paggabay sa aking anak. Sa sulat naman ni Apostol Pablo, mababasa natin kung paano niya itinuring na mga anak ang mga taga-Tesalonica. Siya ang nagturo sa kanila ng tungkol kay Jesus at kung paano gumawa ng mabuti sa isa’t isa (1 TESALONICA 5:14-15). Gayon pa man, ipinagkatiwala ni Pablo ang lahat sa Dios na Siyang tutulong at magpapabanal sa kanila (TAL. 23).

Ipinagkatiwala rin ni Pablo sa Dios ang mga bagay na hindi niya kayang gawin tulad ng paghahanda “ng [kanilang] espiritu at kaluluwa at katawan” (TAL. 23) sa pagbabalik ng Panginoon. Gayundin naman, ipagkatiwala natin ang buhay ng ating mga minamahal sa kamay ng Dios (1 CORINTO 3:6).

Ama naming Dios, salamat po sa Inyong paggabay. Tulungan N’yo po ako na laging ipagkatiwala sa Inyo ang lahat ng aking ginagawa.

Paano ka tinutulungan ng Dios para tumatag ang iyong pananampalataya? Sino ang nais mong ipagkatiwala sa Dios para lumago ang kanyang buhay espirituwal?

Isinulat ni Kirsten Holmberg

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *