Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MGA PANAHON

·

·

MGA PANAHON

Basahin: MANGANGARAL 3:1–14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 23–24; JUAN 15

May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo. – MANGANGARAL 3:1

May isang salita akong nabasa na nakatulong sa akin. Ito ay ang salitang wintering. Galing ito sa salitang winter o taglamig. Ginamit ng manunulat na si Katherine May ang salitang ito upang ilarawan kung paano tayo dapat magpahinga at makabawi muli sa “malalamig” o mahihirap na panahon sa ating buhay. Nakatulong sa akin ang salitang ito nang pumanaw ang aking tatay dahil sa kanser. Ilang buwan akong nahirapan sa pagsubok na ito at nanalangin na malagpasan ko ito. Pero sa kabila ike clogposite 2024 colorway ng aking pinagdaanan, marami naman akong natutunan sa panahong iyon.

Mababasa naman natin sa aklat ng Mangangaral na, “May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo” – may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani, may oras ng pagluha at may oras ng pagtawa, may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang (3:1-4). Ilang taon ko nang nababasa ang mga talatang ito pero naunawaan ko lamang ito nang may pinagdaanan akong pagsubok. Lilipas din ang bawat panahon sa ating buhay kapag tapos na ang layunin nito. Kahit hindi natin lubos na nauunawaan ang mga nangyayari sa atin, niloloob ang mga ito ng Dios (TAL. 11). At kumikilos Siya sa ating buhay.

Ang bawat panahon at pagsubok ay may layunin sa ating buhay. Ipagkatiwala natin sa kamay ng Dios ang bawat panahong darating sa ating buhay.

Panginoong Dios, maraming salamat po sa paggamit N’yo sa bawat panahon sa aking buhay para sa aking ikabubuti at para sa Iyong kaluwalhatian.

May pagkakataon ba na ninais mong matapos na ang isang pagsubok sa iyong buhay? Ano ang nais ng Dios na gawin mo sa pagharap mo sa pagsubok na ito?

Isinulat ni Sheridan Voysey

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *