ISANG BABALA
Basahin: MATEO 18:15–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 28–29; JUAN 17
Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siyatungkolsaginawaniya. – MATEO 18:15
Noong 2010, isang tsunami ang tumama sa isla ng Sumatra sa Indonesia. Halos apat na raang tao ang namatay sa sakunang ito. Mapipigilan sana ang ganoong trahedya kung gumagana ang instrumentong nagbibigay babala kapag may tsunami na paparating. Nasira kasi ang instrumentong ito at natangay ng alon.
Sinabi rin naman ni Jesus sa Biblia na may responsibilidad ang Kanyang mga alagad na bigyang babala ang iba kapag may nagagawa silang kasalanan. Nagbigay si Jesus ng paraan kung paano hihingi ng tawad ang isang taong nagkasala sa kanyang kapwa. Sinabi ni Jesus na, “Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik mo siya sa Dios. Pero kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pang kapatid sa pananampalataya para ang lahat ng pag-uusapan ninyo ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, ipaalam ito sa iglesya, at kung pati sa iglesya ay ayaw niyang makinig, ituring ninyo siya bilang 001 Release Date – Air Jordan 11 CMFT Low Black Dark Marina Blue – Air Jordan 5 Year of the Snake HF3183 isang taong hindi kumikilala sa Dios” (MATEO 18:15-17). Pero nararapat best nike running shoes pa ring patuloy na ipanalangin at pakitaan ng pagmamahal ang taong ito.
Bilang mga nagtitiwala kay Jesus, ipanalangin nating pagkalooban tayo ng Dios ng karunungan upang bigyang babala ang mga kapatid nating nagkakasala. Tulungan din natin silang mapanumbalik sa Dios. Kasama natin si Jesus at tutulungan Niya tayo (TAL. 20).
Panginoong Dios, tulungan N’yo po akong magpakita ng pag-ibig sa tuwing itinatama ko ang aking kapwa na nakikita kong nagkakasala.
Isinulat ni Marvin Williams
Leave a Reply