LUGAR NA KANLUNGAN
Basahin: SALMO 121 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 CRONICA 32–33; JUAN 18:19–40
Ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ ang nag-iingat sa iyo; Siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan. – SALMO 121:5
Misyon ng dating gurong si Debbie Stephens Browder na hikayatin ang maraming tao na magtanim ng puno. Nakakaranas na kasi sila ng sobrang init sa bansang Amerika. Sinabi niya, “Ang lilim na naibibigay ng mga puno ay isang paraan upang protektahan ang ating mga komunidad. Hindi lamang nakakapagpaganda ng paligid ang mga puno. Nagbibigay rin ito sa atin ng buhay.”
Sa Biblia naman, mababasa natin sa Salmo 121 kung paano inilarawan ang Dios bilang ating lilim at kanlungan. Sinabi sa Salmo na iingatan tayo ng Panginoon at “hindi makakasakit sa [atin] ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi” (TAL. 6).
Dahil ang Dios ang ating lilim, makakaasa tayong iingatan Niya tayo sa ano mang kapahamakan.
Pero hindi ibig sabihin ng mga talatang ito na hindi na makakaranas ng mga problema ang mga nagtitiwala kay Jesus. Sinabi ni Jesus na, “Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo” (JUAN 16:33). Pero dahil ang Dios ang ating lilim, makakaasa tayong iingatan Niya tayo sa ano mang kapahamakan (SALMO 121:7-8). Makakatagpo tayo ng kapahingahan kung magtitiwala tayo sa Dios. Mapapanatag din ang ating loob dahil natitiyak nating walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Dios (JUAN 10:28; ROMA 8:39).
Mapagmahal na Dios, maraming salamat best nike running shoes dahil Kayo po ang aking kanlungan. Tulungan N’yo po akong magkaroon ng kapanatagan at lakas ng loob habang nagtitiwala ako sa Inyo.
Kailan mo naranasan ang pagkalinga sa iyo ng Dios? Paano nakapagpapalakas ng iyong loob ang katotohanang palagi ka Niyang iniingatan?
Isinulat ni Monica La Rose
Leave a Reply