Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

WALA NANG LAMAN

·

·

WALA NANG LAMAN

Basahin: PANAGHOY 1:1, 12–13, 16–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZRA 6–8; JUAN 21

Kaylungkot na nakaupong nag-iisa ang lunsod na dating punô ng mga tao! – PANAGHOY 1:1 ABAB

Lumipat na ng tahanan ang aking mga magulang. Tinulungan namin sila ng aking mga kapatid na maghakot ng mga gamit. Nang hapon na at huling paghakot na namin ng mga gamit, kumuha kami ng larawan gamit ang aming kamera. Ito ang huling pagkakataong naroon kami sa bahay kung saan kami lumaki. Pinigilan kong maluha nang sabihin ng aking nanay na, “Wala nang laman ang dati nating bahay.” Nalungkot ako sa sinabi niya. Ang aming lumang bahay na tinirahan sa loob ng limampu’t apat na taon at punong-puno ng alaala ay wala nang laman ngayon.

Katulad ng kalungkutang nadama ko ang nadama ni Propeta Jeremias. Sinabi niya, “Napakalungkot na sa Jerusalem na dati ay puno ng mga tao! (1:1). Wala nang tao sa Jerusalem “dahil napakarami nitong kasalanan” (TAL. 5). Ipinatapon ng Dios ang mga Israelita sa Babilonia dahil hindi nila sinunod ang Kanyang mga utos (TAL. 18). Lumipat ng bahay ang aking mga magulang hindi dahil nagkasala sila. Pero dahil sa pagpasok ng kasalanan sa mundo dahil kay Adan, tumatanda at namamatay ang mga tao. Kapag tumanda na tayo, mas madaling panatilihin ang mas maliit na bahay.

Nagpapasalamat ako sa mga alaalang naiwan namin sa dati naming tahanan. Pero alam kong darating ang panahon na hindi na lamang sa bahay kami magpapaalam kundi pati na rin sa aming mga magulang. Napaiyak ako at nanalanging nawa NovogasShops – Air Jordan IV (4) "Freddy Krueger" Customs by Mache – JORDAN M SEAMLESS KNIT HEADBAND REVERSIBLE’y dumating na si Jesus upang pawiin ang kalungkutan at gawing bago ang lahat ng bagay nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301.

Ama naming Dios, maraming salamat po sa pagbibigay N’yo sa akin ng tahanan at pamilya sa langit.

Saang lugar ka mayroong magagandang alaala? Paano ka naman makabubuo ng mga bagong alaala?

Isinulat ni Mike Wittmer

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *