Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MAY GANTIMPALA

·

·

MAY GANTIMPALA

Basahin: HEBREO 11:32, 35–40 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: EZRA 9–10; GAWA 1

Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod sa Dios…kundi kabilang tayo sa mga sumasampalataya at naligtas. – HEBREO 10:39

Hindi napigil si Jimmy na pumunta sa isang bansa kahit na mapanganib at mahirap pumunta roon. Nais niya kasing bisitahin at palakasin ang loob ng mga nagtitiwala kay Jesus sa lugar na iyon. Nag-text siya sa amin tungkol sa mga paghihirap na dinanas niya. Sabi niya, “Isama ninyo kami sa inyong Yeezys – Jordans, Musee-jacquemart-andre News, Jordan Essentials Statement Hoodie – release dates & nike. panalangin air jordan 3 black cement 2024. Napakalayo pa ng aming pupuntahan at halos ilang beses na kaming nasiraan ng sasakyan.” Hatinggabi na nang makarating si Jimmy sa lugar ng pagtitipon at limang oras nang naghihintay ang mga taong nais makinig sa kanya. Maya-maya pa ay nakatanggap muli kami ng text, “Puruhin ang Dios! Napakasaya ng aming pagtitipon at halos labindalawang tao ang nanalangin upang tanggapin si Jesus sa kanyang buhay.”

Kaakibat ng matapat na paglilingkod sa Dios ang mga paghihirap at pagsubok. Ganito ang naranasan ng mga tauhan sa Biblia na matatagpuan sa Hebreo 11. Nakaranas ng kahirapan at kapighatian dahil sa kanilang pananampalataya sa Dios. “Ang iba naman ay dumanas ng mga panlalait at panghahagupit dahil sa pananampalataya nila” (TAL. 36). Pero ang pananampalataya rin naman nila ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob at pag- asang mula sa Dios. Ganito rin naman sa atin ngayon. Maaaring isang hamon sa atin ang pagbabahagi ng Salita ng Dios sa ating mga kapitbahay, kaklase, o kasama sa bahay. Pero magiging sulit naman ang paghihirap na dadanasin natin dahil gagantimpalaan tayo ng ating Panginoon.

Panginoon, tulungan N’yo po akong ialay sa Inyo ang aking buhay at ipagkatiwala ito sa Inyo.

Paano mo susundin ang Panginoon kahit na nahihirapan ka? Ano ang pumipigil sa iyo para sumunod sa Panginoon?

Isinulat ni Arthur Jackson

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *