Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

KALINGA NG AMA

·

·

KALINGA NG AMA

Basahin: EFESO 3:12–19 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: NEHEMIAS 10–11; GAWA 4:1–22

Tuwing naaalala ko ang plano ng Dios, lumuluhod ako sa pagsamba sa Kanya. Siya ang Ama ng mga nasa langit at nasa lupa na itinuturing Niya na Kanyang buong pamilya. – EFESO 3:14–15

Marami akong masasayang alaala kasama ang aking tatay. Isa na rito ang pag-aayos namin ng mga gamit sa garahe tuwing Sabado ng umaga. Hindi ko malilimutan nang ayusin namin ang aking laruang sasakyan. Nang magawa namin ito, binabantayan ako palagi ni tatay habang pinapatakbo ko ito. Masasabi kong isang mabuting magulang ang aking tatay.

Makikita rin naman natin sa Biblia na ang pagiging isang magulang ay nagmula sa halimbawa ng ating Dios. “Siya ang Ama ng mga nasa langit at nasa lupa na itinuturing Niya na Kanyang buong pamilya” (EFESO 3:14-15). Kung paanong binigyang-buhay, inaruga, at pinrotektahan ng mga magulang ang kanilang anak, ganoon din naman ang Dios Ama sa atin. Siya ang dakilang halimbawa ng pagiging isang mabuting magulang.

Hindi perpektong magulang ang aking tatay. May mga pagkukulang din siya. Pero sa mga pagkakataong inaaruga at tinutulungan niya ako, nakikita ko rin naman ang pag-aalaga at pagkalinga sa akin ng ating Dios.

Ama naming Dios, tulungan N’yo po akong alagaan at pagmalasakitan ang iba ngayong araw na ito.

Paano mo maihahalintulad sa pagkalinga ng Dios ang pagkalinga ng isang magulang sa kanyang anak? Paano mo maipapakita sa iba ang pagmamalasakit ng Dios?

Isinulat ni Sheridan Voysey

Spread marcus jordan net worth the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *