TUWING MALUNGKOT KA
Basahin: SALMO 23 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 11-13; GAWA 9:1–21
Ikaw ay kasama ko. – SALMO 23:4
Mag-isang kumakain ng hapunan si Hui-Liang. Kapitbahay niya ang pamilya Chua, at masaya silang naghahapunan nang sama-sama. Dinig na dinig mula sa bahay ni Hui-Liang ang tawanan at masayang kuwentuhan ng pamilya Chua. Nang pumanaw kasi ang asawa ni Hui-Liang, palagi na siyang malungkot at mag-isa. Sa paglipas ng panahon, lalong naging malungkot na alaala kay Hui-Liang ang pagpanaw ng kanyang asawa.
Bago matulog si Hui-Liang nang gabing iyon, binasa niya ang Salmo 23. Paborito niya rito ang sinabi sa talata 4, “Ikaw ay kasama ko.” Tungkol ang salmong ito sa paghahalintulad ni David sa Panginoon bilang pastol. Kung paanong inaalagaan ir jordan 4 tour yellow 200 at sinusubaybayan ng pastol ang kanyang kawan, ganoon din naman ang pag-aaruga sa atin ng Panginoon (TAL. 2-5). Nakapagbigay kapayapaan kay Hui-Liang ang katotohanang palagi niyang kasama ang Panginoon at sinusubaybayan siya.
Tuwing nalulungkot tayo, isaisip nating palagi nating kasama ang Dios.
Masaya sa pakiramdam kapag alam nating palagi tayong may kasama sa mga panahong nalulungkot tayo. Nangako ang Panginoon na palaging sasaatin ang Kanyang tapat na pag- ibig (SALMO 103:17). Hindi Niya tayo iiwan o pababayaan man (HEBREO 13:5). Tuwing nalulungkot tayo, isaisip nating palagi nating kasama ang Dios.
Mapagmahal na Dios, maraming salamat po dahil palagi ko Kayong kasama.
Tuwing kailan ka nalulungkot? Paano nakakapagpalakas ng iyong loob ang Salmo 23?
Isinulat ni Karen Huang
Comments (0)