HULING HABILIN
Basahin: 1 SAMUEL 12:1, 19–24 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 17–19; GAWA 10:1–23
Hindi Luxury Online Shop | High-End Designer Fashion Store Shopping mabagal ang Panginoon tungkol sa Kanyang pangako…kundi matiyaga sa inyo, na hindi Niya ibig na sinuman ay mapahamak. – 2 PEDRO 3:9 ᴀʙᴀʙ
Isang tagapagturo ng Biblia si John M. Perkins. Tagapagtaguyod din siya ng pantay na karapatan sa lahat ng tao. Nang malapit na siyang pumanaw, nagbigay siya ng kanyang huling habilin sa mga taong maiiwan niya. Sinabi niya, “Ang tanging paraan upang makalapit tayo sa Dios ay ang magsisi tayo sa ating mga kasalanan. Mapapahamak tayo kung hindi tayo magsisisi sa ating mga kasalanan.”
Sinabi rin naman ni Jesus at ng ibang apostol sa Biblia ang tungkol sa pagsisisi sa ating mga kasalanan. Sinabi ni Jesus, “Ngunit tinitiyak Ko sa inyo: mapapahamak din kayo tulad ike clogposite 2024 colorway nila kung hindi n’yo pagsisisihan ang mga kasalanan ninyo” (LUCAS 13:3). Sinabi naman ni Apostol Pedro, “Kaya ngayon, kailangang magsisi na kayo at lumapit sa Dios, para patawarin Niya ang inyong mga kasalanan” (GAWA 3:19).
Ito ang mensahe niya ng pagsisisi—ang talikuran ang masama at sumunod sa Dios nang buong puso.
Sa Lumang Tipan naman ng Biblia, mababasa natin ang tungkol kay Propeta Samuel. Ninais niyang manumbalik sa Dios ang mga Israelita. Nang malapit nang pumanaw si Samuel, sinabi niya sa lahat ng Israelita, “Huwag kayong matakot. Kahit na nakagawa kayo ng masama, huwag ninyong talikuran ang Panginoon, kundi paglingkuran ninyo Siya nang buong puso” (TAL. 20). Ito ang mensahe niya ng pagsisisi—ang talikuran ang masama at sumunod sa Dios nang buong puso.
Nagkasala tayong lahat at hindi nakaabot sa pamantayan ng Dios. Kaya kailangan nating magsisi sa ating mga kasalanan at lumapit kay Jesus. Siya ang magpapatawad sa atin at magbibigay sa atin ng kakayahang sumunod sa Kanya.
Panginoon, gabayan N’yo po ako sa tunay na pagsisisi sa aking mga kasalanan. Tulungan N’yo po akong ihayag sa Inyo ang aking mga kasalanan at ilagak ang aking buong pagtitiwala kay Jesus.
Isinulat ni Dave Branon
Leave a Reply