Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

HINDI SIYA NAGBABAGO

·

·

HINDI SIYA NAGBABAGO

Basahin: SANTIAGO 1:2–8, 12–18 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 28–29; GAWA 13:1–25

Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok. – SANTIAGO 1:12

Makikita sa isang larawan ang isang bakas ng paa. Bakas ito ng paa ng astronaut na si Buzz Aldrin nang maglakad siya sa buwan noong 1969. Ayon sa mga siyentipiko, naroon pa rin sa buwan ang bakas ng paa ni Aldrin kahit lumipas na ang maraming taon. Dahil walang hangin o tubig doon, nananatili at hindi nagbabago ang bakas ng paa niya sa buwan.

Hindi rin naman nagbabago ang pagmamahal ng Dios sa atin. Sinabi ni Santiago, “Lahat ng mabubuti at angkop ir jordan 4 tour yellow 200 na kaloob ay nanggagaling sa Dios na Siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng mga ito, ang Dios ay hindi nagbabago” (SANTIAGO 1:17). Hindi nagbabago ang pag-ibig ng Dios sa atin. Nais Niya na “magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok” (TAL. 2).

Huwag nawa nating makalimutan na hindi nagbabago ang pagmamahal ng Dios sa atin sa kabila ng mga problema natin. Ipinapaalala ng kantang “Tunay Kang Matapat” ang katangiang ito ng Dios: “Tunay Kang matapat! / Tunay Kang matapat! / Bawat umaga ay nakikita / Pangangailangan ko’y di sumasala / Tunay Kang matapat O Dios Ama.” Hindi nag-iiba ang pagmamahal ng Dios para sa atin. Palagi Siyang nariyan para sa atin. Tunay Siyang matapat.

Panginoon, tulungan Mo po akong huwag mag- alala sa gitna ng mga suliranin sa buhay ko. Tulungan Mo po akong magtiwala at manahan sa Iyo.

Anong mga suliranin ang kinakaharap mo ngayon? Paano nakatutulong na hindi nagbabago ang Dios sa kabila ng mga problema mo?

Isinulat ni Kenneth Petersen

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *