TULARAN NATIN SI JESUS
Basahin: ROMA 12:1–8 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 30–31; GAWA 13:26–52
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip. – ROMA 12:2
Magaling manggaya ang isang mimic octopus. Kaya niyang baguhin ang kulay niya para tumulad sa paligid niya. Matalino ang octopus na ito dahil kaya rin niyang baguhin ang hugis at paraan ng paggalaw niya para maprotektahan ang sarili niya sa mula mga mapanganib na hayop sa dagat.
Kabaligtaran naman tayong mga nagtitiwala kay Jesus sa mimic octopus. Nararapat na maging iba tayo sa mga gawi best nike running shoes ng mundo. Kung minsan, natatakot tayong makilala bilang mga tagasunod ni Cristo. Pero sinabi ni Apostol Pablo na nararapat na tularan natin si Jesus. “Ibigay ninyo sa Kanya ang inyong mga sarili bilang mga handog na buhay at kalugod-lugod sa Kanya” (ROMA 12:1).
May mga pagkakataong madadala tayo ng mga gawain at pag-uugali ng mundo (TAL. 2). Pero nararapat na sundin natin ang mga nais ng Dios. Nararapat na tularan natin ang halimbawa ni Jesus. Sa pamamagitan ng pagsunod sa Salita ng Dios, naipapakita natin ang tapat nating pagsunod sa Kanya. Nais mo bang tularan si Jesus ngayon?
Mapagmahal na Dios, tulungan Mo po akong tularan Ka sa lahat ng aspeto ng buhay ko.
May mga pagkakataon bang nahihirapan kang sumunod sa Dios at tularan Siya?
Isinulat ni Xochitl Dixon
Leave a Reply