Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

PALAGING MAY PAG-ASA

·

·

PALAGING MAY PAG-ASA

Basahin: BILANG 20:2–12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 32–33; GAWA 14

Kahit noong tayo’y makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin. – ROMA 5:8

May isang bagay ka bang ginawa na pinagsisisihan mo? Nalulong sa ipinagbabawal na gamot ang anak ko. Nakapagsabi ako ng masasakit na salita na ikinalungkot niya. Sa halip na pasiglahin siya, mas lalo siyang nalugmok dahil sa mga nasabi ko. Pero nagpapasalamat ako dahil may mga taong nakatulong sa kanya para muli siyang magkaroon ng pag-asa sa buhay.

Nakagawa rin si Moises ng isang bagay na pinagsisihan niya. Nakaranas ng matinding uhaw ang mga Israelita noong nasa disyerto sila. Nagreklamo sila kay Moises. Pero nagbigay ng tiyak na utos ang Dios kina Moises and Aaron: “Utusan mo ang bato na maglabas ng tubig, at mula dito aagos ang tubig” (BILANG 20:8). Pero nagalit si Moises sa mga tao: “Makinig kayong mga suwail, dapat ba namin kayong bigyan ng tubig mula sa batong ito?” (TAL. 10). Sumuway si Moises sa utos ng Dios. “Pinalo [ni Moises] ng dalawang beses ang bato” (TAL. 11).

Hindi maganda ang kinahinatnan ng pagsuway ni Moises sa Dios. Hindi siya nakapasok sa lupang pangako ng Dios, pati na rin si Aaron. Pero palaging may pag-asa sa Dios. Mabuti Siya. Hinayaan ng Dios na matanaw ni Moises ang lupang pangako bago siya pumanaw (27:12-13).

Palaging may pag-asa sa Dios. Palagi Siyang nagpapakita ng awa. Nagkakaloob din ang Dios ng pagpapatawad at pag-asa sa atin sa pamamagitan ni Jesus. Tapat ang Dios sa lahat ng panahon.

Mapagmahal na Ama, salamat po sa pag-asang air jordan 4 retro red thunder kaloob Mo sa buhay ko sa kabila ng aking mga pagkukulang.

Anu-ano ang mga kabutihang nagawa ng Dios sa buhay mo? Paano mo ito maibabahagi sa iba?

Isinulat ni James Banks

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *