HUMINGI NG TULONG
Basahin: ISAIAS 58:1–9 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 38–40; GAWA 16:1–21
Palayain Ninyo ang mga inaalipin at ang inaapi ay Inyong tulungan. – ISAIAS 58:6
Nasa taas na palapag ng isang tindahan ng libro si David Willis. Nang bumaba siya, nakita niyang patay na ang ilaw at nakakandado na ang pinto ng tindahan. Nakulong siya sa loob nito! Agad siyang humingi ng tulong. Nag-iwan siya ng mensahe sa Twitter para sabihing nakulong siya sa loob ng tindahan sa loob ng dalawang oras. Agad na may tumulong para makalabas siya.
Isang magandang bagay na mabigyan ng tulong sa gitna ng suliranin. Sa Biblia, sinabi ni Isaias na tutulungan tayo ng Dios sa tuwing humihingi tayo ng tulong sa Kanya. Maraming kasalanan ang nagawa ng mga Israelita sa Dios. Nagkaroon sila ng mga dios- diosan at sinuway ang utos Niya (ISAIAS 58:1-7). Hindi nalugod ang Dios sa kanilang ginawa. Dahil dito, hindi Niya sinagot ang kanilang mga dalangin (1:15). Sinabi ng Dios sa mga Israelita na humingi sila ng tawad sa kanilang pagkakasala at mahalin ang kapwa nila (58:6-7). Kung susunod sila sa Dios “at kung dumulog kayo sa Akin para humingi ng tulong, kayo’y Aking sasagutin” (TAL. 9). Palaging handang tumulong ang Dios sa atin.
Nakikinig palagi ang Dios sa bawat paghingi natin ng tulong sa Kanya.
Nakikinig palagi ang Dios sa bawat paghingi natin ng tulong sa Kanya. Handa Siyang makinig sa bawat pagtawag at paglapit natin sa Kanya. Palagi Siyang nariyan para tulungan tayo sa ating mga suliranin.
Panginoong Dios, salamat ike clogposite 2024 colorway po sa pagdinig Mo sa aking mga panalangin. Tulungan Mo po akong maging matulungin din sa iba.
Anu-anong mga gawain natin ang maaaring maging balakid para hindi sagutin ng Dios ang ating mga dalangin? Anu-ano ang mga bagay na dapat ihingi natin ng tawad sa Kanya?
Isinulat ni Marvin Williams
Leave a Reply