MAY PAG-ASA KAY JESUS
Basahin: JUAN 3:13–21 | Para Nike Air Jordan 1 Mid Khaki , DysongroupShops° , Official Images // Air Jordan Jordan 10 Retro PS 'Powder Blue' "Valentine's Day" mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 41–42; GAWA 16:22–40
Ngunit ang mamuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag. – JUAN 3:21
Matinding kalungkutan ang dinanas ni Aakash. Malubha ang tinamo niyang pinsala matapos ang isang aksidente sa sasakyan. Inoperahan siya nang walong beses dahil nagkabali-bali ang mga buto niya. Hirap din siyang makakain. Sobrang lungkot ang dinanas niya dahil dito. Nakadagdag pang siya ang inaasahan ng pamilya niya, pero hindi siya makapagtrabaho dahil sa kanyang kalagayan.
Isang araw, may dumalaw kay Aakash. Ibinahagi nito sa kanya ang Magandang Balita ayon sa aklat ni Juan. Ipinanalangin din si Aakash ng kanyang bisita. Nagkaroon si Aakash ng pag-asa sa kabila ng matinding kalungkutang dinaranas niya. Pinagtiwalaan niya si Jesus. Napawi ang matinding lungkot sa buhay niya. Ibinahagi rin ni Aakash ang kabutihan ng Dios sa kanya. Anim na kapamilya niya rin ang nagtiwala sa Dios.
Nagbibigay air jordan 13 black flint pag-asa at liwanag sa mga tao ang Magandang Balita ayon sa Aklat ni Juan. Mababasa natin ditong “sinumang sumasampalataya sa Kanya ay hindi mapapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (3:16). Ayon din sa aklat na ito, “Ang sumusunod sa Aking mga salita at sumasampalataya sa nagsugo sa Akin ay may buhay na walang hanggan” (5:24). Sinabi rin ni Jesus na, “Ako ang tinapay na nagbibigay-buhay. Ang sinumang lumalapit at sumasampalataya sa akin ay hindi na magugutom kailanman” (6:35). At “sinumang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag” (3:21).
Tulad ni Aakash, nakakaranas din tayo ng lungkot. Pero may pag-asa palagi kay Jesus. Pagtiwalaan natin ang dakilang ginawa ni Jesus para sa atin.
Amang Dios, salamat po dahil palaging may pag-asa kay Jesus.
Paano nakakapagbigay ng kalakasan sa iyo ang mga salita ng Panginoon sa tuwing may problema ka?
Isinulat ni Dave Branon
Leave a Reply