Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

GAWIN LAHAT PARA SA DIOS

·

·

GAWIN LAHAT PARA SA DIOS

Basahin: COLOSAS 3:12–17 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 13–15; GAWA 19:21–41

At anuman ang ginagawa n’yo, sa salita man o sa gawa, gawin n’yo ang lahat bilang mananampalataya sa Panginoong Jesus. – COLOSAS 3:17

Naglalaman ng iba’t ibang magagandang panalangin para sa mga gawain sa araw-araw ang aklat na Every Moment Holy. May mga dalangin para sa pagluluto, paglalaba, at iba pang maituturing na mga ordinaryong gawain. Pinaaalala air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 ng aklat na ito ang sinabi ng manunulat na si G. K. Chesterton: “Mabuti ang manalangin bago kumain. Pero nananalangin din ako bago ako gumuhit, lumangoy, mag-ehersisyo, maglakad, maglaro, at sumayaw.”

Dahil sa sinabi ni Chesterton, mas nagkaroon ng malalim na kabuluhan ang mga pang-araw-araw kong gawain. Kung minsan, itinuturing kong walang kabuluhan para sa Dios ang ilang mga gawain ko. Sa Biblia naman, pinaalalahanan ni Pablo ang mga taga-Colosas, “Anuman ang ginagawa n’yo sa salita man o sa gawa, gawin n’yo ang lahat bilang mananampalataya sa Panginoong Jesus” (3:17). Ano man ang gawain natin, nararapat na gawin natin ito nang may lugod para sa Dios. Siya ang nagbibigay lakas sa atin sa araw-araw nating buhay.

Nararapat na gawin natin nang may kabanalan at pagpupuri ang lahat ng bagay para sa Dios. Tunay na nalulugod Siya sa tuwing ginagawa natin ang mga ito para sa Kanya.

Jesus, tulungan Mo po akong gawin ang lahat ng bagay para sa ikalulugod ng pangalan Mo.

Paano mo gagawin ang lahat ng bagay para sa Panginoon? Paano mo ipagkakatiwala sa Kanya ang lahat ng gawain mo?

Isinulat ni Lisa M. Samra

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *