Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

TAIMTIM NA DALANGIN

·

·

TAIMTIM NA DALANGIN

Basahin: SALMO 107:23–36 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 16–17; GAWA 20:1–16

Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ, at sila’y iniligtas Niya mula sa kapahamakan. – SALMO 107:28

Pinangunahan ng pastor na si Christian Führer ang isang pagtitipon para sa pananalangin sa St. Nicholas Church. Sa loob ng ilang taon, kakaunti lamang ang dumadalo para ipanalangin ike clogposite 2024 colorway ang pagwawakas ng kalupitan sa bansang Germany. Lumipas ang maraming taon, napakarami nang mga tao ang dumadalo para manalangin. Noong Oktubre 9, 1989, pitumpong libong mga tao ang nagsama-sama para tahimik na magprotesta at manalangin nang taimtim. Ipinanalangin nila na matapos na ang kaguluhan sa bansa. Makalipas ang isang buwan, nabuwag ang Berlin Wall. Nagbunga ng pagbabago sa gobyerno ang taimtim nilang pananalangin.

Nararapat din naman tayong tumawag at manalangin sa Dios nang taimtim. Maraming bagay ang maaaring magbago bunga ng panalangin. Tulad ng Israel na buong pusong tumawag sa Panginoon, inaanyayahan din tayo ng Dios na ilapit sa Kanya ang ating mga suliranin (SALMO 107:28). Nagkakaloob ang Dios ng kapayapaan at pag-asa sa tuwing lumalapit tayo sa Kanya sa pamamagitan ng mga taimtim na dalangin (TAL. 29, 35).

Tunay na makapangyarihan ang Dios dahil kaya Niyang baguhin ang lahat ng bagay. Nais ng Panginoon na masaksihan natin ang kapangyarihan Niya sa pamamagitan ng pananalangin.

Panginoon, tulungan Mo po akong palaging lumapit sa Iyo sa pamamagitan ng pananalangin nang taimtim.

Kailan mo nasaksihan ang kapangyarihan ng Dios? Ano ang papel ng pananalangin natin para maipakita ang kapangyarihan Niya?

Isinulat ni Winn Collier

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *