Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

ANONG LAYUNIN KO?

·

·

ANONG LAYUNIN KO?

Basahin: 2 TIMOTEO 1:1–5 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 taon: SALMO 18–19; GAWA 20:17–38

Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya tulad ng nasa iyong Lola Luisa at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ngayon. – 2 TIMOTEO 1:5

“Ito ang mga sinabi ni Harold. Palagi niyang sinasabi sa anak niya na matanda na siya at wala nang layunin at kabuluhan ang buhay niya. “Maaari na akong kunin ng Dios kahit anong oras.”

Pero nagbago ang pananaw ni Harold. Isang hapon, nakausap niya ang kapitbahay niya. Maraming problema ang kapitbahay niya kaya ipinanalangin niya ito. Binahagi rin ni Harold ang Magandang Balita ng kaligtasan mula kay Jesus. “May layunin pa pala ang buhay ko! Nararapat na ibahagi ko sa mga taong hindi pa nakakakilala kay Jesus ang dakilang pag-ibig Niya.”

Dahil sa ginawa ni Harold, nagkaroon ng personal na relasyon sa Dios ang kapitbahay niya. Binanggit din naman ni Apostol Pablo ang dalawang babaeng naging instrumento para mabago ang buhay ni Timoteo: ang kanyang Lola Luisa at ang kanyang Nanay Eunice. Mayroon silang matibay na pananampalataya at pagkakakilala sa Dios, na ibinahagi nila kay Timoteo (TAL. 5). Dahil dito, naging matatag ang pananampalataya ni Timoteo sa Dios at naging pinuno siya ng simbahan sa Efeso.

May layunin ang buhay ng bawat isa sa atin. Nararapat na ibahagi natin sa ating kapwa ang dakilang pag-ibig ng Dios.

Jesus, tulungan Mo po akong ibahagi ang Magandang Balita ng kaligtasan sa aking kapwa.

Sino ang maaari mong mabahaginan ng Salita ng Dios? Paano mo ibabahagi ang pag-ibig ng Dios sa iba?

Isinulat ni Karen Huang

Spread the word


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *