BINAGO NG DIOS
Basahin: GAWA 1:1–8 | Para mabasa Disney Brings Marie to An Adidas Originals Capsule for 55th Anniversary of The Aristocats , OdegardcarpetsShops° , adidas slides price philippines today online ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 31–32; GAWA 23:16–35
Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Banal na Espiritu. – EFESO 5:18
Nagkaroon ng isang hindi malilimutang karanasan ang manunulat na si Scot McKnight. Ibinahagi niya ang karanasan niya. “Binigyan kami ng tagapagsalita ng isang hamon habang nasa isang pagtitipon nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 kami. Sabi niya, nararapat na ilagak namin ang mga buhay namin sa Dios at babaguhin Niya kami. Noong araw na iyon, nanalangin ako sa Dios. ‘Amang Dios, patawarin Mo po ako sa mga kasalanan ko. Baguhin Mo po ako. Puspusin Mo po ako ng Banal na Espiritu.’ At binago ng Dios ang buhay ko.” Dahil dito, nagkaroon ng pagpapahalaga si McKnight sa pagbabasa ng Salita ng Dios, pananalangin, pagsama sa mga kapwa nagtitiwala kay Jesus, at paglilingkod sa Kanya.
Nais din naman ng Dios na magkaroon ng pagbabago sa mga buhay natin. Bago umakyat si Jesus sa langit, sinabi Niya sa mga kaibigan Niya, “Huwag muna kayong umalis sa Jerusalem. Hintayin ninyo ang Banal na Espiritu na ipinangako ng Dios Ama” (GAWA 1:4). Ang Espiritu Santo ang tutulong sa kanila “para ibahagi si Cristo sa Jerusalem, hanggang sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa buong mundo” (TAL. 8). Ipinagkaloob ng Dios ang Banal na Espiritu sa lahat ng taong nagtitiwala sa Kanya. Binabago ng Banal na Espiritu ang buhay natin.
Ang Banal na Espiritu ang tutulong sa atin para magkaroon ng magagandang bunga at pagbabago sa buhay natin (GALACIA 5:22-23). Patuloy tayong magpasalamat sa Dios sa kaloob Niyang ito.
Mapagmahal na Ama, salamat po sa kaloob Mong Banal na Espiritu. Baguhin Mo po ako para mahalin at tulungan ang kapwa ko.
Paano binago ng Banal na Espiritu ang buhay mo? Sa anong mga paraan ka pa maaaring baguhin ng Dios?
Isinulat ni Amy Boucher Pye
Comments (0)