Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MAGTULUNGAN

·

·

MAGTULUNGAN

Basahin: 1 PEDRO 4:7–11 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 40–42; GAWA 27:1–26

Malapit na ang katapusan ng mundo. Kaya pigilan ninyo ang sarili nyo para hindi kayo makagawa ng masama at nang walang maging hadlang sa mga panalangin ninyo. – 1 PEDRO 4:7

Noong Hunyo 1965, naglayag sa dagat para sa isang paglalakbay ang anim na binatang magkakaibigan mula sa bansang Tonga. Pero isang bagyo ang sumira sa barkong sinasakyan nila. Napunta sila sa gitna ng karagatan. Wala silang kahit anong pagkain at inumin. Napadpad sila sa isla ng ‘Ata at nanatili sila roon sa loob ng labinlimang buwan.

Nagtulong-tulong ang magkakaibigan para mabuhay at makaligtas mula sa sinapit nila. Nagtanim sila, nag-ipon ng tubig, at gumawa ng matitirahan. Nang mabalian ng binti mula sa pagkakahulog sa puno ang isa sa kanila, agad silang nagtulungan para iligtas siya at gumaling. Kung magkaroon ng mga hindi pag- kakaunawaan sa pagitan nila, agad nila itong inaayos air jordan 13 black flint. Sabay-sabay silang umaawit at nananalangin bawat araw. Laking gulat ng mga pamilya nila nang umuwi silang buhay at ligtas.

Nagkaisa rin ang mga nagtitiwala kay Jesus noong unang panahon. Dahil dito, pinalakas ni Apostol Pedro ang mga loob nila upang magtiwala sa Dios. Sinabi rin ni Pedro sa kanila na magtulungan sila at alagaan ang bawat isa para manatiling matatag sa paglilingkod sa Dios (1 PEDRO 4:7-8, 10-11). Ang Dios ang Siyang nagpapatatag sa mga taong nagtitiwala sa Kanya.

Sa panahon ng pagsubok, kailangan nating manalangin at magkaisa. Tiyak na ililigtas tayo ng Dios.

Panginoon, tulungan Mo po akong mag-abot ng pagtulong sa iba sa gitna ng kanilang mga suliranin.

Sa tuwing may mga problema ka, mas nais mo bang humingi ng tulong sa iba o harapin ito nang mag- isa? Sino ang maaari mong tulungan ngayon?

Isinulat ni Sheridan Voysey

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *