DALUYAN NG KATOTOHANAN
Basahin: SALMO 78:1–8 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 68–69; ROMA 8:1–21
Sabihin natin sa kanila ang kapangyarihan ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ at ang mga kahanga-hanga niyang gawa. – SALMO 78:4
Nahirapan makahanap ng murang bahay na malapit sa pagtatrabahuhan niya si Nadia. Dalawampung taong gulang siya noon at naghahandang magtapos sa kolehiyo. Samantala, iniisip naman Nike air jordan max 13 hologram Bred Black Red 2019 Release Date , air jordan max 1 rebel chicago white varsity red black , IetpShops ni Judith, na animnapu’t-apat na taong gulang, na umalis na sa bahay na kinalakihan dahil malaki ito para sa nag-iisang tulad niya. Pareho silang pumunta sa isang home-sharing agency na pinagtatagpo ang mga batang nangungupahan air jordan 13 black flint at mga ‘di ganoong kabata na handang magbukas ng tahanan nila. Ngayon, tatlong taon na silang magkasama at pareho silang nakikinabang. ‘Di lang sa pagtitipid ng pera, kundi pati rin sa pakikipag-ugnayan, pagtutulungan sa gawaing bahay, at pagbabahagi ng karunungan.
Pagkakataon ang paninirahan kasama ang ibang henerasyon, para makapagbahagi ng karunungang naipon mula sa pamumuhay. Isang atas nga ng Dios sa mga tagasunod na ibahagi ang karunungan Niya sa mga susunod na salinlahi. Nagpasya ang salmistang si Asaph na ibahagi sa susunod na salinlahi ang mga bagay na isinalaysay sa kanila ng mga ninuno nila para maituro rin nila ang mga ito sa mga anak nila (SALMO 78:3, 6). Para sana magtiwala rin sa Dios ang mga nakababata, huwag nila malimutan ang mga ginawa Niya, at sundin rin nila ang mga utos ng Dios (TAL. 7).
Nawa ay maging daluyan tayo ng katotohanan Niya para sa mas maraming tao.
Kung hahayaan nating matuto tayo mula sa mga taong matuwid na kabilang sa ibang henerasyon, at kung handa tayong ibahagi ang mga karunungang ating natutunan, nagiging daluyan tayo ng katotohanan Niya para sa mas maraming tao.
Ama sa Langit, tulungan Mo po akong ibahagi ang karunungan Mo.
Kanino ka natututo ng karunungan para sa buhay at paano ka puwedeng magbahagi rin sa iba?
Isinulat ni Kirsten Holmberg
Comments (0)