Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

LIBONG TULDOK NG LIWANAG

·

·

LIBONG TULDOK NG LIWANAG

Basahin: EFESO 5:8–20 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 72–73; ROMA 9:1–15

Ipakita sa pamumuhay nʼyo na naliwanagan na kayo. – EFESO 5:8

Umaakit ng maraming Jordan 10 Retro Light Smoke Grey310805-062 , 602 Release Date – Verse 555088 – Air Jordan 1 Origin Story Spider – IetpShops turista taun-taon ang Dismals Canyon, isang lambak sa hilagang-kanluran ng Alabama sa Amerika. ‘Pag buwan ng Mayo at Hunyo kasi napipisa ang mga uod ng gnat (isang insektong parang lamok) at nagiging air jordan 3 black cement 2024 glowworm. Sa gabi, nagbibigay ang mga ito ng matingkad na asul na liwanag. Kahanga-hanga ang gandang nabubuo ng libu-libong glowworm!

Hindi nga ba’t parang glowworm din ang paglalarawan ni Apostol Pablo sa mga tagasunod ni Jesus? Paliwanag niya, “Dati, namumuhay kayo sa kadiliman, pero ngayon ay naliwanagan na kayo dahil kayo ay nasa Panginoon na” (EFESO 5:8). Marahil minsan naiisip natin kung mayroon ba talagang naidudulot na mabuti ang munting liwanag ng bawat isa sa atin. Pero minumungkahi ng apostol na hindi ito kaya ng iisang tao lang. Tinatawag tayo ni Apostol Pablo na “mga anak ng liwanag” (TAL. 8) at mga kabahagi “sa mga pangako ng Dios para sa mga hinirang na nasa liwanag” (COLOSAS 1:12). Tulung-tulong tayong mga nagtitiwala kay Cristo sa pagiging liwanag ng mundo. Isang halimbawa ng larawan ng apostol sa ating mga ‘glowworm’ ang sama-samang pagsamba sa Dios, “Sa pagtitipon nʼyo, umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal” (EFESO 5:19).

‘Pag napapanghinaan tayo ng loob kasi tingin natin isang maliit na tuldok lang tayo sa tila makapal na dilim, balikan natin ang pagtitiyak ng Biblia. ‘Di tayo nag-iisa. Sa tulong at gabay ng Dios, sama-sama tayong nagniningning ng matingkad na liwanag.

O Dios, tulungan Mo po akong ipagningning ang liwanag Mo kasama ang ibang nagtitiwala sa Iyo.

Paano ka puwedeng magliwanag kasama ang ibang nagtitiwala kay Jesus? Paano niyan mapapatatag ang loob mo?

Isinulat ni Kenneth Petersen 

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *