Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

MALUNGKOT PERO ‘DI NALIMOT

·

·

MALUNGKOT PERO ‘DI NALIMOT

Basahin: GENESIS 40:8–15; 20–23 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 89–90; ROMA 14

Pero hindi naalala ng pinuno ng mga tagasilbi ng alak si Jose. – GENESIS 40:23

‘Pag nakinig ka sa mga kwento ng mga nakakulong, malalaman mong pag-iisa at lungkot marahil ang pinakamahirap para sa kanila. Katunayan, nalaman sa isang pag-aaral na kahit gaano katagal ang sentensya, dalawang beses lang nadadalaw ng kaibigan o pamilya ang karamihan sa kanila. Kaya hindi maikakaila ang kalungkutan nila.

Sa Biblia, ganyan air jordan 4 retro red thunder marahil ang naramdaman ni Jose na nakulong dahil sa hindi makatarungang Air Jordan 1 Centre Court Olive bintang. May munting liwanag ng pag-asa: habang nasa kulungan, tinulungan ng Dios si Jose na ipaliwanag ang panaginip ng pinagkakatiwalaang tagapaglingkod ng Faraon, na nakakulong din noon. Sinabi sa kanya ni Jose na ibabalik siya sa tungkulin, at hiniling ni Jose sa kanya na banggitin kay Faraon ang nangyari sa kanya para mapalaya siya. (GENESIS 40:14). “Pero hindi naalala ng pinuno ng mga tagasilbi ng alak si Jose” (TAL. 23). Dalawang taon pa ang hinintay ni Jose. Sa mga panahong iyon, walang senyales na magbabago ang sitwasyon niya. Pero hindi talaga nag-iisa si Jose dahil kasama niya ang Dios. Kinalaunan, naalala si Jose ng tagapaglingkod ni Faraon at nakalaya siya matapos maipaliwanag ang isa pang panaginip (41:9-14).

Ano man ang dahilan ng pakiramdam nating nakalimutan na tayo, at ang lungkot na kasama nito, panghawakan natin ang pangako ng Dios sa mga anak Niya: “Hindi Ko kayo kakalimutan kahit sandali” (ISAIAS 49:15 ᴍʙʙ).

Ama sa Langit, tulungan Mo po akong lumapit sa Iyo kapag pakiramdam kong nakalimutan na ako. Maalala ko po sanang lagi ko Kayong kasama.

Kailan mo nadama ang sakit na makalimutan ng iba? Paano ka napagiginhawa ng paalalang kapiling mo ang Dios?

Isinulat ni Lisa M. Samra

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *