PAGDIRIWANG NG PAGSAMBA
Basahin: DEUTERONOMIO 16:9–16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 100–102; 1 CORINTO 1
At magsaya kayo sa presensya ng Panginoon na inyong Dios sa lugar na pipiliin niya, kung saan pararangalan siya. – DEUTERONOMIO 16:11
Maaari kang mabago sa ‘di-inaasahang paraan ‘pag dumalo ka sa malaking pagtitipon. Ilang araw nakisalamuha sina Daniel Yudkin at mga kapwa mananaliksik sa mahigit 1,200 katao sa mga malakihang pagtitipon sa United Kingdom at Amerika. Nalaman nilang puwedeng makaapekto ang ganyang mga pagtitipon sa batayan ng tama Melania Trump's Hands on Donald's Trip Make a Subtle Style Statement’t mali ng isang tao, pati na rin sa kagustuhang tumulong sa iba. Sa pagsusuri nila, 63 porsyento ng dumalo ang nagkaroon ng nakapagpabagong karanasan na nagdulot sa kanila ng pakiramdam na mas konektado sila sa sangkatauhan. Naging mas mapagbigay din sila sa pamilya, kaibigan, at kahit sa hindi kakilala.
Pero higit pa diyan ang maaaring maranasan ‘pag magkakasama tayong sumasamba sa Dios. Dahil hindi lang tao ang kasalamuha natin, pati na rin ang Dios. Sa Biblia, walang dudang naranasan ng mga hinirang ng Dios ang ugnayan sa Kanya noong nagtipon- tipon sila sa Jerusalem para sa mga pagdiriwang sa buong taon. Naglalakbay sila–nang walang tulong ng moderno nating pamamaraan–para dumalo sa pagtitipon sa templo tatlong beses sa isang taon para ipagdiwang “ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang Pista ng Pag-aani at ang Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol” (DEUTERONOMIO 16:16). Taimtim na paggunita, pagdiriwang, at pagsamba sa harap ng Dios ang mga pagtitipong iyon kasama ang mga anak, alipin, dayuhan, at iba pa (TAL. 11).
Sambahin natin ang Dios nang sama-sama para makapagtulung- tulungan tayo sa ating buhay pananampalataya.
Salamat po, o Dios, sa paanyaya Mo na sama-sama Kang sambahin.
Paano mo naranasan ang pagiging konektado mo sa Dios ‘pag sama-samang sumasamba sa Kanya?
Isinulat ni Kirsten Holmberg
Comments (0)