Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

WALANG HANGGANG SIMBAHAN

·

·

WALANG HANGGANG SIMBAHAN

Basahin: EFESO 2:14–22 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 110–112; 1 CORINTO 5

Hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan. – MATEO 16:18

“Tapos na ba ang pagsamba ngayong araw?” tanong ng kararating lang na nanay na kasama ang dalawang maliliit na bata. Sinabihan siya ng isang nagboboluntaryo na may pangalawang worship service sa kalapit na simbahan at malapit na itong magsimula. Inalok niyang ihatid ang mag-iina. Tinanggap naman ito ng ina at nagpasalamat. Kinalaunan, mas napag-isipan ng nagboboluntaryo ang tanong ng ina: “Tapos na ba ang pagsamba?” Hindi kailanman. Walang hanggan ang pagsamba natin sa Dios.

Hindi “gusali” ang simbahan, kundi ang tapat na pamilya ng Dios na “kabilang sa kanyang sambahayan,” sinulat ni Apostol Pablo. “Tulad ng isang gusali…itinayo sa pundasyong inilagay ng mga apostol at mga propeta, na ang batong panulukan air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 ay si Cristo Jesus. Sa pamamagitan niya, ang bawat bahagi ay nagkakaugnay- ugnay at nagiging isang templo na nakatalaga sa Panginoon…kayo man ay sama-samang itinatayo bilang tahanan ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu” (EFESO 2:19-22 ᴍʙʙ).

Mismong si Jesus ang nagtayo ng Kanyang simbahan na pangwalang-hanggan. At sinabi Niyang kahit ano pang problema o hirap ang harapin nito, “Hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan” (MATEO 16:18). Ito ang lenteng Nike Aurinkolasit Circuit – 100 – Nike chuteira nike phantom venom neighborhood pack Premium 'White/White' 2025 HF2893 nagpapakita sa ating mga nagtitiwala kay Jesus na kabilang tayong lahat sa iisang pamilya ng Dios. Tunay na sa pamamagitan ni Cristo, ang lahat ng bahagi ng gusali ay nagkakaugnay-ugnay (EFESO 3:21).

Jesus, patuloy Mo po akong patatagin bilang bahagi ng Iyong pamilya.

Ano ang ipinagpapasalamat mo sa Dios tungkol sa samahan ninyong mga nagtitiwala kay Jesus? Paano ka makakatulong na mapalago ang pangkalahatang simbahan ng Dios?

Isinulat ni Patricia Raybon

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *