Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

TAOS PUSONG PAGBIBIGAY

·

·

TAOS PUSONG PAGBIBIGAY

Basahin: 2 TIMOTEO 1:6–14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 116–118; 1 CORINTO 7:1–19

Sapagkat hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag- ibig, at disiplina sa sarili. – 2 TIMOTEO 1:7

Walang sinumang namatay ang nagsabing, “Labis kong ikinatuwa ang buhay kong sarili ang sentro, sarili ang pinaglingkuran at sarili lang ang inalagaan.” Sabi iyan ng manunulat na si Parker Palmer sa talumpati niya sa mga nagtapos ng pag-aaral. Hinikayat niya silang “ibahagi ang sarili sa mundo… na may taos pusong pagbibigay.” Pero dinagdag ni Parker na kung mamumuhay tayo nang ganito, malalaman nating “konti lang ang alam natin at ang daling pumalpak at mabigo.” Kung ihahandog natin ang sarili sa paglilingkod sa mundo, kailangan natin ang “pag-iisip ng isang baguhan” na handang air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 “sumuong sa landas ng walang-kaalaman at makipagsapalaran kahit ulit-ulit madapa’t pumalpak – at bumangon muli para matuto.”

Mahahanap lang ang lakas ng loob na mamuhay nang walang takot at may “taos pusong pagbibigay” kung kagandahang-loob ng Dios ang pundasyon ng buhay. Tulad Sneakers – adidas by9405 women black hair – Cheap Edu Jordan Outlet , Shoes, Clothing & Bags, Authenticated Before Shipping ng paliwanag ni Apostol Pablo kay Timoteo na maaaring “pag-alabin” at gamitin ang kakayahang kaloob ng Dios (2 TIMOTEO 1:6 ᴍʙʙ) kung tatandaan nating kagandahang-loob ng Dios ang nagligtas at tumawag sa atin (TAL. 9). Ang kapangyarihan Niya rin ang nagpapatapang sa atin para hindi tayo mamuhay nang may mahinang loob, kundi nang may “kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili” (TAL. 7). At ‘pag nadapa, kagandahang-loob rin Niya ang nagbabangon sa atin para ipagpatuloy ang paglalakbay upang lumalim sa pag-ibig Niya (TAL. 13-14).

O Dios, salamat po dahil ‘di kami kailangang maging mahiyain o matakot na mabigo at masaktan. Tulungan Mo po kaming kumuha ng lakas ng loob sa Iyo.

Mahiyain ka ba? Paano ka natutulungan ng kapangyarihan at kagandahang-loob ng Dios para maging matapang para sa Kanya?

Isinulat ni Monica La Rose

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *