Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

NAWALA NA ANG LAHAT

·

·

NAWALA NA ANG LAHAT

Basahin: JOB 1:13–22 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 123–125; 1 CORINTO 10:1–18

Ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ! – JOB 1:21

Ang saklap ng tiyempo. Matapos makaipon ng kaunting yaman mula sa paggawa ng mga tulay Nike air force 1 mid 07 triple white men classic casual shoes sneaker cw2289-111 , Orange Nike Nike air force 1 low кросівки найк кросівки жіночі , RvceShops, monumento, at malalaking gusali, naisip ni Cesar na magsimula ng bagong negosyo. Kaya ibinenta niya ang unang negosyo. Inihulog muna niya sa bangko ang pera na sana’y gagamiting pangpuhunan. Pero ‘di nagtagal, sinamsam ng gobyerno nila ang lahat ng ari-ariang nasa pribadong bangko. Ang ipon niya, parang bulang naglaho. Pinili niyang ‘wag gawing dahilan upang magreklamo ang ‘di-makatarungang pangyayari. Hiniling niya sa Dios na ituro sa kanya kung ano ang magandang gawin. At nagsimula siyang muli.

Sa talambuhay ni Job sa Biblia, ‘di lang ari-arian ang biglang nawala sa kanya. Nawala rin pati karamihan ng mga alipin at lahat ng anak niya (JOB 1:13-22). Pagkatapos, nawala rin ang kalusugan niya (2:7-8). Walang-kupas na halimbawa para sa atin ang naging tugon niya. Nanalangin siya, “Ipinanganak akong walang dala at mamamatay din akong walang dala. Ang Panginoon ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang Panginoon din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng Panginoon! (1:21). Nagtapos ang kabanata nang ganito, “Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi nagkasala si Job. Hindi niya sinisi ang Dios” (TAL. 22).

Tulad ni Job, pinili ni Cesar na magtiwala sa Dios. Sa loob lang ng ilang taon, lumago nang higit ang bagong negosyo niya. Hawig ng kuwento niya ang pagtatapos ng kay Job (JOB 42). Pero kung ‘di man nakabawi si Cesar, alam niyang wala naman dito sa mundo ang tunay niyang yaman (MATEO nike sabrina 1 brooklyn fq3381 301 6:19-20). Magtitiwala pa rin siya sa Dios.

O Dios, turuan Mo po ako tungkol sa pag-ibig Mo. Marami pa po akong hindi naiintindihan.

Ano’ng nadama mo sa naranasan mong pinakamalaking kawalan? Ano’ng tinuturo sa’yo ng Banal na Espiritu tungkol diyan?

Isinulat ni Tim Gustafson

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *