Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

KAPAG NAPAGOD KA

·

·

KAPAG NAPAGOD KA

Basahin: MATEO 11:25–30 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 126–128; 1 CORINTO 10:19–33

Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan. – MATEO 11:28

Nakaupo ako kaharap ang kompyuter. Ninanamnam ko ang katahimikan sa pagtatapos ng isang araw ng trabaho. Masaya dapat ako sa natapos GmarShops Marketplace , Air Jordan 1 Retro Low Og Neutral Grey , Jordan 12 Field Purple ko sa araw na iyon, pero hindi. Pagod ako. Masakit ang balikat ko sa bigat ng pagkabalisa dahil sa problema sa trabaho, at abala ang utak ko sa kakaisip tungkol sa isang problemadong ugnayan. Gusto kong takasan lahat—kaya air jordan 3 black cement 2024 naisip kong manood ng telebisyon pag-uwi ko.

Pero pinikit ko ang mga mata ko at bumulong, “Panginoon.” Wala akong lakas para sa iba pang salita. Nakapaloob ang lahat ng pagod ko sa isang salitang iyan. At dama ko agad na sa Kanya ako dapat pumunta.

“Lumapit kayo sa akin,” sabi ni Jesus sa mga pagod at nabibi- gatan, “at bibigyan ko kayo ng kapahingahan” (MATEO 11:28). Hindi pahinga mula sa mahimbing na tulog ang sagot. O pagtakas sa katotohanan gamit ang telebisyon. Hindi rin ginhawa ‘pag nalutas na ang problema. May dulot mang pahinga ang mga iyan, pero panandalian at nakasalalay lang sa mga pangyayari.

Iba ang pahingang handog ni Jesus: pangmatagalan at sigurado dahil sa mga katangian Niyang hindi nagbabago. Wagas ang kabutihan Niya. Matatagpuan sa Kanya ang tunay na pahinga kahit sa panahon ng problema dahil alam nating makapangyarihan Siya. Maaari tayong magtiwala at magpailalim sa Kanya. Maaari nga rin tayong magtiis at magtagumpay sa gitna ng hirap dahil sa lakas Niyang nagpapanumbalik ng lakas natin. “Lumapit kayo sa akin,” sabi ni Jesus sa atin. “Lumapit kayo sa akin.”

Ama sa Langit, ipaalala Mo po sa akin na nasa Iyo ang tunay na kapahingahan.

Kapag pagod ang espiritu mo, saan ka nagpapahinga? Ano ang sagot mo kay Jesus na nag-iimbita sa iyong lumapit sa Kanya?

Isinulat ni Karen Huang

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *