ISANG MAGANDANG KUWENTO
Basahin: JUAN 16:25–33 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 137–139; 1 CORINTO 13
Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, pero magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na Ako. – JUAN 16:33
Makikita sa harapan ng issue ng Life magazine noong Hulyo 12, 1968 ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga bata sa Biafra. Panahon ito ng giyerang Black Single – breasted blazer ADIDAS Originals – Adidas Originals a actualisé une silhouette que les amateurs des playgrounds – IetpShops Italy sibil sa bansang Nigeria.Lubos na naapektuhan ng larawan ang isang bata at lumapit siya sa isang pastor, “Alam ba ito ng Dios?” Sagot ng pastor, “Alam kong mahirap unawain, pero oo, alam iyan ng Dios.” Sinabi niyang hindi siya interesado sa Dios kung gayon, at sabay umalis.
Sana hindi lang ang pagkaalam ng Dios sa lahat ng bagay ang narinig ng bata. Sana nalaman din niyang may magandang kuwentong isinusulat ang Dios, kahit pa sa mga kalunos-lunos na kaganapan gaya ng sa Biafra.
Ipinaliwanag ni Jesus sa mga tagasunod Niya ang kuwentong ito. Akala kasi nila, aalisin ni Jesus ang lahat ng pagdurusa nila. Sa halip, sinabi ni Jesus, “daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo.” Pero tiniyak Niya sa kanilang hindi sa paghihirap magtatapos ang lahat “dahil nagtagumpay na” Siya (JUAN 16:33). Sa huling kabanata ng kuwentong isinusulat ni Jesus, mabubura ang lahat ng inhustisya at mawawala ang lahat ng sakit.
Mapagmahal ang sumusulat ng ating kuwento, at may pakialam Siya sa atin. Mula sa aklat ng Genesis hanggang sa aklat ng Pahayag, winawasak ng Dios ang lahat ng uri ng kasamaan. Itinatama rin Niya ang lahat ng mali. Kaya nga sinabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo: “Sinabi Ko sa inyo ang mga bagay na ito para magkaroon kayo ng kapayapaan sa Akin” (TAL. 33). Manangan tayo sa kapayapaan at kalapitan ng Dios.
O Dios, hindi ko man po makita paano Mo itatama ang lahat ng mali, nagtitiwala po akong gagawin Mo ito.
Anong masaklap air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 na kuwento ang nararanasan mo ngayon? Paano nakakatulong sa iyo ang malamang may isinusulat na magandang kuwento si Jesus?
Isinulat ni Winn Collier
Comments (0)