Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

SUKDULANG BIYAYA

·

·

SUKDULANG BIYAYA

Basahin: JEREMIAS 52:31–34 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 143–145; 1 CORINTO 14:21–40

Nang mahayag ang biyaya at pag-ibig ng Dios na ating Tagapagligtas, iniligtas niya tayo. – TITO 3:4–5

Sa dalawampu’t-pitong taon ng pagtatrabaho ni Kevin Ford sa isang fast-food restaurant, hindi siya kailanman lumiban. Dahil dito, nakatanggap siya ng munting air jordan 3 black cement 2024 regalo bilang pagkilala sa matapat niyang serbisyo. Lubos naman ang pagpapasalamat niya dito, na hinangaan ng mga nakapanood sa video niya. Kaya naman, libu-libo ang nagtulong-tulong para pagpalain siya. Nakalikom sila ng $250,000 para sa kanya. “Parang isang panaginip, isang magandang panaginip,” tugon ni Kevin.

Nakatanggap din ng hindi inaasahang biyaya ang hari ng Juda na si Jehoyakin. Matapos ang tatlumpu’t-pitong taon niyang pagkabihag, pinakitaan siya ng kabutihan ng hari ng Babilonia. “Pinalaya [ng hari] si Jehoyakin. Mabait siya kay Haring Jehoyakin at pinarangalan niya ito ng higit kaysa sa ibang mga hari na bihag din doon sa Babilonia” (JEREMIAS 52:31-32). Ibinigay ng hari ang lahat ng kailangan ni Jehoyakin. Mula sa bagong posisyon, bagong mga damit, at pati bagong tirahan.

Magandang larawan ito ng mabiyayang pagliligtas sa atin ng Dios. Wala man tayong dala-dala sa paglapit sa Kanya, pero tinatanggap at nililigtas Niya tayo basta’t maniwala lang tayong namatay at muling nabuhay si Jesus. Iniaalis Niya tayo mula sa kadiliman at dinadala sa liwanag. Anupa’t tinatanggap Niya rin tayo bilang mga anak. Iyan ang sukdulang biyaya sa atin ng Dios.

Ama, maraming salamat po sa Iyong biyaya at pagpapatawad nike roshe runs cute girls shoes vans high tops. Salamat po dahil tunay ngang binayaran na ni Jesus ang lahat, at utang ko ang lahat sa Kanya.

Anong mga akto ng kabutihan ng tao ang nagpaalala sa iyo ng kabutihan ng Dios? Paano ka tumutugon sa biyaya ng Dios na Siyang tumanggap sa iyo batay sa ginawa ni Jesus sa krus?

Isinulat ni Arthur Jackson

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *