KATUPARAN NG PANGAKO

·

·

KATUPARAN NG PANGAKO

Basahin: LUCAS 1:26–38 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: KAWIKAAN 8–9; 2 CORINTO 3

Mapalad ka dahil naniwala kang matutupad ang sinabi sa iyo ng Panginoon. – LUCAS 1:45

Noong bata ako, nagbabakasyon Bleu marine – adidas Originals – Cheap Cra-wallonie Jordan Outlet – zapatillas de running Adidas pie arco bajo talla 43.5 moradas , Pantalon de survêtement ample – Firebird ako sa lolo at lola ko tuwing tag-init. Nitong tumanda na ako, nakita ko kung paano nakatulong sa akin ang mga panahong iyon. Dahil sa yaman ng karanasan nila at sa haba ng paglakad nila kasama ang Dios, naitanim nila sa mura kong isipan ang mga karunungang natutunan nila. Isa na rito ang katapatan ng Dios. Bata pa lang ako, natutunan ko nang tinutupad ng Dios ang lahat ng pangako Niya.

Bata pa lang din si Maria nang bisitahin siya ng anghel na si Gabriel. Ibinalita ni Gabriel kay Maria na siya ang pinili ng Dios upang maipanganak si Jesus. Nakalulula ang balita, pero tinanggap ito ni Maria nang buong pagpapasakop (LUCAS 1:38). Nakatulong din marahil kay Maria ang pagbisita niya sa nakatatanda niyang kamag-anak na si Elizabet. Ayon sa ilang iskolar ng Biblia, animnapung taon na si Elizabet nang sabihin sa kanya ni Gabriel na magbubuntis siya, at nangyari naman ito. Dahil sa mahimalang pagbubuntis ni Elizabet, napagtibay kay Maria na magaganap ang sinabi ng anghel sa kanya (TAL. 39-45).

Habang tumatatag tayo sa pananampalataya, natututunan nating tinutupad ng Dios ang mga pangako niya. Ganoon nga ang naranasan nina Elizabet at Zacarias (TAL. 57-58). Ipinanganak ni Elizabet si Juan na Tagapagbautismo. Hindi lang iyon. Si Juan din ang naging tagapaghayag ir jordan 4 tour yellow 200 ng pagdating ng ipinangakong Tagapagligtas (MATEO 1:21-23). Ito ang katuparan ng pinakadakilang pangako sa lahat.

Mapagmahal na Dios, salamat po dahil maaari naming panghawakan na tutuparin Mo ang Iyong mga pangako.

Ano ang batayan mo upang pagtiwalaan ang pangako ng Dios? Alin sa mga pangako Niya ang pinakapinanghahawakan mo?

Isinulat ni Cindy Hess Kasper



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *