ANG ATING DAMIT
Basahin: EXODUS 28:1–8, 40–41 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: KAWIKAAN 30–31; 2 CORINTO 11:1–15
Magpatahi ka ng banal na damit para sa kapatid mong si Aaron, para maparangalan siya. – EXODUS 28:2
Sinimulan ng alagad ng sining na si Kirstie Macleod ang The Red Dress Project. Sa loob ng labintatlong taon, walumpu’t apat na piraso ng pulang tela ang umikot sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang maburdahan ng higit tatlong daang mga babae (at ilang lalaki). Pagkatapos, pinagsama-sama ang mga pulang telang ito para buuin ang isang bestida. Mga nasa laylayan ng lipunan ang karamihan sa mga nagburda. Dahil sa pulang bestida, nabigyan sila ng tinig at naibahagi nila ang kanilang kuwento.
Tulad ng pulang bestida, nagtulong-tulong ang maraming “mahuhusay na mananahi air jordan 4 retro red thunder” para mabuo ang damit pampari nina Aaron at kanyang mga anak (EXODUS 28:3). Makikita rin sa damit ng mga pari ang kuwento ng bayan ng Israel. Itinagubilin kasi ng Dios na ikabit sa damit ang “alaalang bato nila para sa mga lahi ng Israel” (TAL. 12). Pinagawan din sila ng “mga damit-panloob, mga sinturon, at mga turban para sa…ikararangal nila” (TAL. 40).
Bilang 429 Too Many Requests mga nagtitiwala kay Jesus, nagsisilbi tayong lahat bilang “mga banal na pari” na nagpapahayag ng mga kahanga-hanga Niyang gawa (1 PEDRO 2:4-5, 9). Si Jesus naman ang ating “dakilang punong pari” (HEBREO 4:14). Wala man tayong damit na tulad kina Aaron na magpapakilala sa atin bilang mga pari, tutulungan naman tayo ni Jesus na “magbihis…ng kahabagan, ng kabaitan, ng kababaang-loob, ng kaamuan, at ng katiyagaan” (COLOSAS 3:12).
Panginoong Jesus, damitan Mo po ako ng kahabagan, kabaitan, kababaang-loob, kaamuan, at katiyagaan.
Alin sa mga katangian sa aklat ng Colosas ang dapat mong “isuot” ngayon? Ano pang ibang “kasuotan” ang ibinigay sa iyo ng Dios para makapaglingkod ka sa Kanya?
Isinulat ni Kirsten Holmberg
Comments (0)