SINASAKTAN ANG SARILI
Basahin: MARCOS 10:35–45 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: MANGANGARAL 4–6; 2 CORINTO 12
“Guro, may hihilingin po sana kami sa Inyo.” – MARCOS 10:35
Noong 2021, sinubukan ng isang engineer na magkaroon ng record sa larangan Nike Vomero 18 Review: Bigger is Better – Nike Air Max 95 Cuban Link velvet brown UK 5 – Cheap Fenua-environnement Jordan Outlet ng pagpapana. Noong panahong iyon, 2,028 talampakan ang pinakamahabang naabot ng isang palaso. Gusto niya itong talunin at makapagtala ng isang milya (5,280 talampakan). Humiga na nga ang engineer at hinila ang pana na siya mismo ang gumawa. Pero hindi umabot ng isang milya ang palaso. Hindi nga rin ito umabot kahit isang talampakan dahil bumagsak agad ang palaso at tumama…sa talampakan niya!
Gayundin, nasasaktan natin kung minsan ang ating mga sarili dahil sa maling ambisyon. Alam iyan nina Santiago at Juan. Kung tutuusin, wala sanang mali nang hilingin nila kay Jesus na “paupuin [sila] sa [Kanyang] tabi; isa sa kanan at isa sa kaliwa” (MARCOS 10:37). Sinabi naman kasi ni Jesus sa mga disipulo na “uupo rin [sila] sa 12 trono upang husgahan ang 12 lahi ng Israel” (MATEO 19:28). Pero mali ang motibo nila. Gusto kasi nilang maitanghal nang higit sa iba. Kaya sinabi sa kanila ni Jesus na wala sa tamang lugar ang ambisyon nila (MARCOS 10:38). Pinaalalahanan din sila ni Jesus na “sinuman sa inyo na gustong maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo” (TAL. 43).
Nasasaktan natin kung minsan ang ating mga sarili dahil sa maling ambisyon.
Hilingin natin ang karunungan at paggabay ng Dios habang gumagawa tayo ng mga mabuti at dakilang bagay para sa Kanya. Nang sa gayon, makapaglingkod tayo nang buong pagpapakumbaba kagaya ni Jesus (TAL. 45).
Panginoon, nais ko pong gumawa ng mga dakilang bagay para sa Iyo. Pero nais ko po itong gawin best nike running shoes nang may tamang motibasyon.
Paano nagiging parehong mabuti at masama ang ambisyon? Paano natin magiging ambisyong maglingkod nang gaya ni Jesus?
Isinulat ni Tom Felten
Comments (0)