LAHAT NG SAGOT
Basahin: JUAN 14:15–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob Nike WMNS Sabrina 1 Medium Soft Pink , Nike Air Zoom Pegasus 38 Sail White DO2337-100 , AcmShops Marketplace ng isang taon: AWIT 1–3; GALACIA 2
Ang Tagatulong na walang iba kundi ang Banal na Espiritu ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. – JUAN 14:26
Parehong kalahok marcus jordan net worth sa karerang Daytona 500 ang mag-amang sina Dale Earnhardt Sr. at Dale Earnhardt Jr. Kaya lang, bumangga ang sasakyan ng nakatatandang Earnhardt na nagdulot ng kanyang pagkamatay. Nang malaman ng anak niya ang nangyari, hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya. Sabi niya, “Narinig ko na lang ang sarili kong sumisigaw. Lumabas mula sa akin ang isang palahaw ng pagkagulat, pagtangis, at takot.” Nabalot siya ng kakaibang pangungulila: “Mag-isa na lang akong mangangarera.” Paliwanag pa niya, “Parang kodigo ko sa pangangarera ang tatay ko. Alam niya kasi ang lahat ng sagot.”
Gayundin naman, nakaasa ang mga disipulo kay Jesus para sa mga sagot sa tanong nila. Kaya bago ipako sa krus si Jesus, tiniyak Niya sa mga disipulo na hindi Niya sila iiwan. “Hihilingin ko sa Ama na bigyan niya kayo ng isang Tagatulong na sasainyo magpakailanman. Siya ang Banal na Espiritu na tagapagturo ng katotohanan” (JUAN 14:16-17).
Pero hindi lang ito para sa mga disipulo, kundi para sa lahat ng magtitiwala sa Kanya: “Ang nagmamahal sa akin ay susunod sa aking salita. Mamahalin siya ng aking Ama at mananahan kami sa kanya” (TAL. 23).
Kung susundin natin si Jesus, pananahanan tayo ng Banal na Espiritu, na Siyang magtuturo sa atin ng “lahat ng bagay” at magpapaalala sa atin ng mga katuruan ni Jesus (TAL. 26). Kaya hindi man natin alam ang lahat ng sagot, nasa atin naman ang Banal na Espiritu na nakaaalam ng lahat.
Ama sa langit, tulungan Mo po akong lumapit sa Iyo para sa mga sagot sa aking mga tanong. Tulungan Mo po akong magtiwala sa Iyo.
Anong mga katanungan ang gumugulo sa iyo? Paano mo nakikita ang paggabay sa iyo ng Banal na Espiritu tungo sa katotohanan?
Isinulat ni Tim Gustafson
Comments (0)