Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

DAHILAN PARA MATAKOT

·

·

DAHILAN PARA MATAKOT

Basahin: SALMO 118:1–7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: AWIT 6–8; GALACIA 4

Kasama ko ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin? – SALMO 118:6

Noong bata ako, nakaranas ako at iba pang mga bata ng pambu-bully sa eskuwelahan. Hindi kami halos lumaban. Bantulot na nga kami sa takot, kinukutya pa kami at sinasabihan ng “Natatakot ka ba? Takot ka sa ‘kin, ano? Walang magliligtas sa ‘yo dito.”

Sa totoo lang, madalas akong takot na takot noon. At bakit hindi? Alam ko ang sakit nang mabugbog, at ayokong maranasan iyon ulit. Bukod doon, walong taong gulang lang ako, at mas matanda, mas malaki, at mas malakas ang nambu-bully sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin at kung kanino dapat magtiwala.

Pero iba ang salmista. Hindi siya natakot sa gitna ng panganib. Sa halip, punong puno siya ng pagtitiwala. Alam kasi niyang hindi siya mag-isa sa pagharap sa mga banta laban sa kanya. “Kasama ko ang Panginoon, kaya hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?” (SALMO 118:6). Wala akong ganoong Женская туалетная вода kreasyon creation "кофейный поцелуй", 30 мл — цена 219 грн в каталоге Туалетная вода ✓ Купить товары для красоты и здоровья по доступной цене на Шафе , Украина #165719901 lakas ng loob noong bata ako. Pero ngayong ike clogposite 2024 colorway matanda na ako, nauunawaan ko kung saan nanggagaling ang salmista. Sa maraming taon ng paglakad ko kasama si Jesus, alam ko nang higit na mas malaki at mas makapangyarihan si Jesus kaysa sa anumang panganib.

Totoo ang mga panganib na kinakaharap natin sa buhay. Pero hindi tayo dapat matakot. Kasama natin ang Manlilikha ng sangkalawakan. Higit pa Siya sa sapat.

Ama, salamat po dahil nariyan Ka. Salamat din po dahil maaari akong magtiwala sa Iyong biyaya na magtatawid sa akin sa landas na ito.

Ano ang ikinakatakot mo? Hilingin mo ang pagsama, pagkalinga, at pag-iingat ng Dios para sa anumang kinakaharap mo ngayon.

Isinulat ni Bill Crowder 

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *