Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

IBANG PAG-IYAK

·

·

IBANG PAG-IYAK

Basahin: ISAIAS 30:19–26 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 1–2; GALACIA 5

Kaaawaan kayo ng ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ kung hihingi kayo ng tulong sa Kanya. – ISAIAS 30:19

Hindi lang pagkapagod o pagkagutom ang ibig sabihin ng pag-iyak ng isang sanggol. Ayon VTG nike Sale Air Max Senation White Black Chris Webber 2006 sz 9 , nike Sale breathe run kurzarm-t-shirt , Fenua-environnementShops Marketplace sa mga doktor sa Brown University, maaaring gamiting indikasyon ng komplikasyon ang ilang mga pagbabago sa pag-iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Meron silang computer program na sumusukat sa tinis, lakas, at linaw ng iyak ng sanggol. Batay dito, maaari nilang malaman kung may problema sa central nervous system ang sanggol.

Ipinahayag ng propetang si Isaias na naririnig ng Dios ang pag- iyak ng Kanyang bayan. Sinabi rin sa kanila ni Isaias na matutukoy ng Dios ang kondisyon ng kanilang puso at na tutugon Siya sa kanila nang may habag. Ngunit ike clogposite 2024 colorway hindi dininig ng mga taga-Juda si Isaias. Sa halip na lumapit sa Dios, nakipagkasundo sila sa Egipto (ISAIAS 30:1-7). Dahil dito, sinabi ng Dios na kung magpapatuloy sila sa kanilang pagsusuwail, mabibigo at mapapahiya sila. Sa kabila nito, sinabi ng Dios na “nakahanda siyang ipadama sa [kanila] ang kanyang pagmamalasakit” (TAL. 18). Ililigtas Niya sila kung lalapit sila nang may pagtangis at pagsisisi. Kung iiyak sila sa Dios, nakahanda ang pagpapatawad at pagpapanibagong sigla Niya para sa kanila (TAL. 8-26).

Gayundin ang pangako ng Dios para sa atin. Kapag narinig Niya ang pag-iyak natin na may kasamang pagsisisi at pagtitiwala, diringgin at patatawarin Niya tayo. Bibigyan Niya rin tayo ng bagong galak at pag-asa.

Aking Dios, patawarin Mo po ako sa mga pagkakataong sa iba ako humanap ng kaligtasan, seguridad, at proteksyon. Panumbalikin Mo po ang aking pag-ibig sa Iyo.

Ano ang nagbubunsod sa iyo upang sumuway sa Dios at magtiwala sa iba? Paano nagiging daan ang pagsisisi tungo sa kapatawaran at buhay?

Isinulat ni Marvin Williams

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *