Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

TINATAWAG SA PANGALAN

·

·

TINATAWAG SA PANGALAN

Basahin: GENESIS 16:1–9, 16 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 3–4; GALACIA 6

Tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?” – GENESIS 16:8

Nagpunta sa ibang bansa si Natalia dahil pinangakuan siya na makakapag-aral siya doon. Pero inabuso at pinagsamantalahan siya sa tahanang kumupkop sa kanya. Sapilitan siyang pinag-alaga ng mga bata nang walang bayad. Bawal Air Jordan Release Dates 2024 – Chris Paul soaring through the lane in his Jordan Arctic PE – Cra-wallonieShops , 2025 din siyang lumabas ng bahay o gumamit ng telepono. Ginawang alipin doon si Natalia.

Naranasan din ni Hagar na maging alipin. Ni hindi siya tinawag sa pangalan nina Abram at Hagar. Sa halip, “alipin ko” o “alipin mo” (GENESIS 16:2, 5-6) ang tawag nila sa kanya. Ginamit air jordan 1 retro low og sp varsity red hv6157 100 lamang nila si Hagar para magkaroon ng tagapagmana.

Ibang-iba ang Dios. Unang beses nagpakita sa Biblia ang anghel ng Dios para kausapin si Hagar. Buntis noon si Hagar at nasa ilang. Maaaring mensahero ng Dios o Dios mismo ang anghel. Pero para kay Hagar, ang Dios mismo ang nagpakita sa kanya. “Tinawag ni Hagar na “Dios na Nakakakita” ang pangalan ng Panginoon na nakipag-usap sa kanya” (TAL. 13). Kung tama si Hagar, maaaring ang Dios Anak ito, na Siyang “larawan ng di-nakikitang Dios” (COLOSAS 1:15). At di tulad nina Abram, tinawag ng Dios si Hagar sa kanyang pangalan. “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?” (GENESIS 16:8).

Nakita at tinawag ng Dios si Hagar sa kanyang pangalan. Nakita rin ng Dios si Natalia at nagpadala Siya ng mga taong tutulong sa kanya. Nag-aaral na ngayon si Natalia para maging isang nars. Nakikita ka rin ng Dios. Maaaring nababalewala o naaabuso ka ng iba, pero hindi ng Dios. Tinatawag ka Niya sa pangalan mo. Lumapit ka sa Kanya.

Maraming salamat, Panginoong Jesus, dahil alam Mo po ang pangalan ko. Nananangan po ako sa Iyong pag-ibig para sa akin.

Gaano kahalaga sa iyo na alam ni Jesus ang pangalan mo?

Isinulat ni Mike Wittmer

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *