Church of Christ at San Antonio 33 A.D.

KAHANGA-HANGANG GAWA

·

·

KAHANGA-HANGANG GAWA

Basahin: GENESIS 1:14–23 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: ISAIAS 14–16; EFESO 5:1–16

Sinabi ng Dios, “Magkaroon ng iba’t ibang hayop sa tubig at magsilipad ang iba’t ibang hayop sa himpapawid.” – GENESIS 1:20

Isang air jordan 4 retro red thunder grupo ng mga mananaliksik ang nakaimbento ng kakaibang drone (isang uri ng makinang pinalilipad). Ginaya kasi ang mekanismo ng drone sa pakpak ng swift, isang uri ng ibon. Kilala ang ibong swift sa husay nitong lumipad. Kaya nitong liparin ang distansyang hanggang 145 kilometro kada oras. Kaya rin nitong lumigid nang matagal sa himpapawid, lumipad nang pabulusok, magbago ng direksyon nang ubod-bilis, at huminto sa isang iglap. Ngunit kakaiba man ang drone, aminado ang isa sa mga mananaliksik na hindi maihahalintulad ang mekanismo nito sa pakpak ng mga ibon. Sapagkat sadyang kahanga-hanga raw ang pagkakagawa sa bawat bahagi ng kanilang mga pakpak.

Tulad ng mga ibon, marami pang kahanga-hanga sa ating paligid na kapupulutan natin ng aral kung bibigyan natin ng pansin. Gaya ng mga langgam na nagtuturo sa ating mag-ipon. O kaya sa mga kuneho, na kakikitaan ng halaga ng matatag na tirahan. At pati sa mga balang, masasalamin natin ang lakas ng pagsasama-sama (KAWIKAAN 30:25-27).

Sapagkat nilikha sa pamamagitan ng karunungan ng Dios ang lahat ng nilalang (JEREMIAS 10:12). Sa katunayan, tuwing matatapos ang Kanyang paglikha, nasisiyahan ang Dios sa Kanyang gawa (GENESIS 1:4, 10, 12, 18, 21, 25, 31). At ang Dios na nagbigay ng pakpak sa mga ibon ay Siya ring Dios na nagbigay sa atin ng karunungan. Magagamit natin ito upang mamangha at matuto mula sa Kanyang kahanga-hangang mga gawa.

Ama, buksan po Ninyo ang aking mga mata upang makita ko ang Inyong karunungan sa lahat ng Inyong mga likha.

Ano ang pinaka-hinahangaan mo sa mga nilikha ng Dios? Paano nito sinasalamin ang karunungang taglay Niya Женские бежевые сникерсы на платформе танкетке зимние кроссовки теплые на меху эко-кожа зима — цена 1480 грн в каталоге Сникеры ✓ Купить женские вещи по доступной цене на Шафе , Украина #175819778?

Isinulat ni Jennifer Benson Schuldt

Spread the word


Comments (0)

Your email address will not be published. Required fields are marked *